CHAPTER 40. #TBLKaligayahanMoKalungkutanKo Napadesisyonan kong iligpit na lang ang pagkain at itapon ang cake dahil napanis na. Halos walong oras na kasing nasa lamesa lang at agad ko naman inilagay sa ref ang mga pagkain at para hindi mapanis. Nagising ako ng malakas na bumukas ang pinto at agad akong tumayo ng makita si Andrew. Lasing siya, at halatang hindi na niya kaya. "Happy birthday!" bungad ko sa kaniya at iniabot ang regalong binili ko. Nakangiti habang inaabot ang regalo ngunit nagulat ako ng bigla niyang kinuha at tinapon sa sahig ang binili kong regalo. Sumikip naman ang dibdib ko sa ginawa niya, kinuha ko iyon at nilagay sa bulsa ko. "Tabi!" tinulak niya ako at dumaan siya sa akin. "Andrew," pagtawag ko sa pangalan niya. "Bakit mo ito ginagawa sa akin?" umiiyak na

