CHAPTER 25. #TBLNightmare Kinakabahan kami pareho habang nakaabang sa isang screen sa hallway ng paaralan kung sino nga ba talaga ang naguna sa examination kahapon. Kahit na ipadukot ako ni Ace hindi pa rin siya nagtagumpay, nakuha ako ni Sky at nakaabot si Blue sa exam. Kabado ako kahapon akala ko mamamatay na ako. Mabuti na lang at nasundan nila ang van at nagtaka din ako dahil nandun din si Skylar. Paano niya nalaman na kinidnapped ako? Siguro sinabi din nila Sky sa kaniya kaya siya pumonta. Marami ang nagchi-cheer kay Ace dahil gusto nila na si Ace ang mag-top at hindi si Blue. May mga fans din si Blue na todo cheer sa kaniya dahil naniniwala sila na si Blue talaga ang karapat dapat na nandun kasi kay Blue naman talaga ang spot na 'yon. Naunang ipinakita ang top 10 pababa. Hangg

