CHAPTER 26. #TBLRigel "Nay!" Nagising akong umiiyak at hindi ko mapigilan ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko. Hindi 'yon totoo! Malakas si Nanay at uuwi ako dun para kunin siya. Magpapagamot pa kami. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ng numero ni Nanay. Kinakabahan ako dahil pangatlong tawag ko na ito at walang sumasagot. Hanggang sa napahinga ako ng maluwag ng may sumagot na. "Nay? Kamusta ka diyan?" Agad na bungad ko. "Tulog nagpapahinga," sumagot si Caitlyn at agad na pinatay ang cellphone. Napangiti naman ako dahil kahit papano nalaman kong nagpapahinga siya at okay siya. Pero patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. 'Okay na lang siya Astrid, kaya kumalma ka na diyan,' sabi pa ng utak ko. Tumayo ako at inayos ko ang sarili ko, hindi maganda ang

