CHAPTER 27. #TBLEfforts Nakalipas ang ilang araw ay naging mabuti ang pakikitungo nila kay Rigel. Hindi ko akalain na sa ganoong paraan ay pinakita nila ang pagmamahal kay Rigel. Si Blue ay mas naglaan ng oras kay Rigel sa pakikipaglaro at sa pagkain. Kailangan ni Rigel ng healthy foods kaya mas mabuting masanay siya sa mga ganong pagkain. Si Sky naman ay binibigyan ng oras si Rigel galing trabaho at minsan ay pinapasyal niya ito. Si Sky ay pasikreto na dinadala ang kapatid niya sa kwarto niya para dun sila makapaglaro. Kahit na sa ganun lamang ay maranasan ng bata at maramdaman ang pagmamahal ng mga kuya niya sa kaniya. Hindi ko rin akalain na naging maayos ang pakikitungo sa akin ni Skylar, nang dahil kay Rigel ay kinakausap na niya ako. Tinatanong kung ano ang kailangan ni Rige

