CHAPTER 28. #TBLWelcomeHome Abala ako sa aking niluluto at sa dami nito ay kanina pa ako nasa kusina. Anong oras pa lang naman kaya marami pa akong oras para dito. May bisita kasi si Skylar kaya ipinagluto niya ako ng ulam para sa dinner mamaya. Limang putahe ang niluto ko at gagawa pa ako ng dessert. Kailangan matikman ng bisita ang napakasarap na gawa kong mango float at talagang matatakam siya mamaya. Inayos ko rin ang long table dahil dun sila kakain at bumili ako ng bagong prutas at para mapalitan ko na ang nasa lamesa. Inayos ko na rin ang mga tela, plato at parang catering na ang dating mg ayos ko. Pagkatapos kong magluto ay agad ko namang inasikaso si Rigel. Pinaliguan ko muna siya at pinalitan ng damit at pagkatapos naman niya ay ako naman ang naligo. Pagkatapos kong asi

