CHAPTER 21. #TBLFixYou Nagising ako nang maaga para ipagluto sila, gusto ko rin makausap si Sky tunkol kay Blue. Kailangan niya ng taong may babantay sa bawat galaw niya. Kailangan niya ng tao na magpapaalala sa kaniya na mali ang mga ginagawa niya. Nagluto ako ng sinangag at pinakbet, gulay muna sila ngayon at para healthy iwas sa sakit, tsaka kailangan ito ni Rigel, hindi kasi siya masigla at parang kulang siya sa mga masustansyang pagkain. Minsan nagsasalita siya, madalas hindi at hindi rin siya minsan mapagsabihan. Mmadalas din siyang nagwawala at nagpapasalamat ako dahil ambilis humupa ang iyak niya pag ako na ang kasama niya. Sabi ni Sky ganito talaga siya, wal din siyang kaibigan sa school, ang tanging ginagawa niya para malibang ay nagdadala siya ng laruan sa school at 'yon

