CHAPTER 20. #TBLRespect Tinapos ko lahat kong trabaho ngayong araw, nakakapagod pero atleast makakapag pahinga ako mamaya ng mas matagal. Hinihintay ko na lang si Sir Skylar na matapos sa pag-inom niya at akakapagpahinga na rin ako. Nandon siya malapit sa pool at mag-isang umiinom. Probleado ata 'yon at kanina pa mag-isang umiinom. Agad naman akong tumayo ng tawagin niya ako, dali-dali akong pumonta sa kaniya. "Sir?" Kabado ako, nanginginiig at natatakot. Sa tuwing humaharap ako sa kaniya iniisip ko na parang huling araw ko na ito sa mundo. Natatakot ako sa kaniya, ayoko siya na nagagalit dahil makakabuo siya ng desisyon niya na di naman dapat. "Wine," utos niya sa'kin. Agad akong bumalik sa loob at kinuha ang bote ng alak na nasa lamesa. Binilisan ko ang paglakad ko at ng maka

