CHAPTER 19. #TBLKaneCostaVerde "Nay kamusta ka diyan?" Bungad ko nang agad na sinagot ni Nanay ang tawag ko. "Nakakainom ka pa ba ng gamot diyan?" dagdag ko. "Oo anak, ayos lang ako. Magtrabaho ka lang diyan, galingan mo." "Oo nay, gagalingan ko para sa'yo." Nakapagpahinga na rin ako sa wakas ng makauwi kami ni Rigel galing school. Walang tao sa bahay kaya umupo muna ako sa sofa at nagpahangin. At tinawagan ko rin si Nany para alamin kung ano ang nararamdaman niya. Masaya ako kasi kinakaya ni Nanay, alam kong masakit ang nararamdaman niya pero hindi siya sumusuko at patuloy siyang lumalaban. Ipinapangako ko rin na kakayanin ko dito, gagalingan ko at mas bubutihin ang mga trabaho dito. Hanggang sa maging maayos na ang pakikitungo sa akin ni Skylar ay hindi na niya ako parusahan.

