CHAPTER 18. #TBLPunishMe Pagkatapos naming magbihis ay sumakay na kami kay Sky siya muna ang maghahatid sa amin at dahil hindi ko pa aam kung saan ang paaralan ni Rigel. Tahimik lang ang byahe hanggang sa makarating kami sa paaralan. "Sakay ka lang ng taxi mamaya kung susundui mo na si Rigel," wika niya sa'kin sabay abot ng isang libo. "Or you can call me kung magpapasundo kayo," dagdag pa niya. "Sige Sir, mauuna na kami at baka ma-late na kami," tugon ko sabay labas ng kotse. Nakita ko pang hinalikan niya sa ulo si Rigel bago lumabas ng kotse ang bata. Ibinigay din niya ang access niya sa akin para makapasok ako sa school. nang makapasok na kami sa loob ay namangha ako, para itong mall. hindi ko lubos maisip na private school ito. bukod sa malaki, malawak napaka ganda pa. nakakam

