CHAPTER 43. #TBLNeverGiveUp Ito ang araw na pinakahihintay ko, ang araw na magpapasaya sa akin kahit papano. Nagpahinga talaga ako para paghandaan ang kaarawan ko. Maaga akong nagising, nagluto para sa almusal ni Andrew. Umaasa din ako na baka batiin niya ako, alam niya kasi na birthday ko at sa tuwing birthday ko nireregaluhan niya ako. Ewan ko lang ngayon kung maalala pa niya, hindi na ako aasa basta ang plano ko ngayon dapat na matuloy. Handa na rin si Candice na tumulong, pagkatapos kong magluto ay inilagay ko na ang pagkain sa mesa at sakto namang bumaba siya. Normal lang akong kumilos tulad ng dati na parang wala lang. Pagkatapos niyang kumain ay niligpit ko ang pinagkainan niya at nakabuntot ako sa likod niyang bumaba siya. "Ingat ka, mahal na mahal kita." Nang masigurado

