Manila Encounters#5

483 Words
ERRORS AHEAD Tahimik na naglalakad ako sa pasilyo ng paaralan dahil papunta na ako sa aking klase nang biglang nabulabog dahil sa isang sigaw ng babae.. "MIKAELLLLLLLLLLLLLLLL" sigaw ng babae at obviously ako lang ang tao dito kaya automatically ako yon..... "Tss" mahina kong sabi bago ako huminto at humarap sa kanya. "Ano na naman Collene?" Bored na sambit ko pero ngumiti lang sya at nagsalita.. "Makipag bati kana sa nanay mo mikael pleaaseee" nagmamaka awang sabi nya. Agad namang nag init ang ulo ko. "Ano bang pake mo kung ayaw kong makipag bati huh?" Sigaw ko sa kanya kaya medyo napa igtad sya sa gulat. "Ako ang nurse nang nanay mo, lagi ka nyang hinahanap sakin, simula nang na ospital sya di mo pa sya dinadalaw!" Sigaw rin nya at dumaan ang sakit sa kanyang mata. Agad kong nalukot ang aking mga kamao tsaka tumalikod at nagpatuloy sa paglalalkad. "Sandali lang. Mikael!" tawag nya sa akin sabay harang sa harapan ko. "Ano ba?!!! Ang kulit kulit mo! Sabing ayaw ko nga! Bingi ka ba?!!" sigaw ko at tinulak sya dahilan para mawalan sya ng balanse at mapa upo sa sahig ng hallway. Medyo malakas yon kaya napangiwi sya. Pero agad iyong nawala at matapang muling humarap sa akin. "K-kahit isang beses lang pangako. Kahit isang beses mo lang dalawin ang mama mo nagmamaka awa ako. Y-yun lang ang hiling nya bago sya mawala. Please kahit isa lang." pumiyok na sya sa dulo at lumuluha nang naka tingin sa akin. "Isang beses lang. Bumisita ka at magpanggap na napatawad mo na sya. Nang sa ganon kahit papaano masaya syang mamayapa." agad ko syang tinalikuran at umalis papalayo sa kanya. Dahil kung hindi ako aalis makikita nya akong umiiyak. Oo, alam ko mamamatay na si mama pero ayoko bumisita. Hanggang ngayon dahil sa kagagawan ni mama nasira ang buhay ko. Nahihirapan ako magtiwala dahil sa mga ginawa nya sa akin. Kung huhusgahan nyo na mababaw ako at di ko kayang patawarin ang akin ina nagkakamali kayo. Dati pag uwi ko galing sa eskuwela halos mag agaw buhay ako kakabugbog ni mama. Lulong sya sa droga at alak dahil iniwan kami ni papa nang panahon na 'yon. At iyon ang nagpatigas sa puso ko, pinalaki nya akong binabalot ng takot sa bawat araw na kasama ko sya. Siguro mapapatawad ko rin sya ngunit sa ngayon hindi ko pa kaya na makita sya muli. Ayokong umasa rin sya na magiging maayos kami dahil sa tagal ng panahon ay pinaramdam nya sa akin na hindi ako kamahal mahal. Napakalaking sugat ang kanyang iniwan na naka marka na sa aking buong pagkatao. Kaya patawad Collene kung hindi ko magantihan ang hiling mo, kung kaya ko lamang magpanggap ay sana ginawa ko na. Sana maintindihan mo ito balang araw. They say mother knows best but how far you will believe that quote when she's the one who hurt you?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD