ERRORS AHEAD
Never in my life I dream this day. Wala nga akong balak mag- asawa eh. Pero bakit narito ako naglalakad sa gitna ng altar suot- suot ang isang traje de boda? Hawak ang puting bugkos ng bulaklak at may takip na belo.
Dahan- dahan akong naglakad habang nanginginig ang mga kamay ko na may hawak sa bulaklak kasabay ng pagtugtog ng wedding song na pinili ko.
Kinakabahan ako.
Hindi ko inaasahan na darating ako sa puntong ito ng buhay ko. Parang dati lang naiirita ako kapag may kinakasal tapos sasabihan ako na nauna pa sila sa akin.
Hah! Tignan nyo ako ngayon!
Namuo ang luha ko ng maalala lahat ng pinagdaanan namin bago kami mapunta sa ganito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak nalang.
"Congrats Hanna!" Umiiyak na sabi ni Julie sa akin na bride's maid ko nang makarating ako sa altar.
Ngumiti nalang ako habang inaalalayan ako paakyat ni Max sa hagdan- groom's man ng future husband ko si Simon.
Tumikhim ang pari kaya napaharap ako sa altar at nagseryoso.
"Mga kapatid narito tayo ngayon sa pagdiriwang ng pag- iisang dibdib nila Hanna Ramo at ni Simon Sistona."
pasimula ng pari hanggang sa dumating na sa oras ng wedding vows namin.
Unti- unti akong lumapit sa kanya pero bago ako tuluyang makalapit ay bumuhos na ang luha ko. Hinawakan ko ang salamin ng kanyang kabaong habang humahagulhol.
Hindi ko kinaya. Akala ko kaya ko pang maging masaya.
Malapit na kami eh. Sobrang lapit na namin sa happy ending. Bakit naman binawi sya agad?
"Sabi mo dito ka lang lagi sa tabi ko bakit ngayon ako nalang mag- isa?"
"Ikaw yung lakas ko eh. Bakit ka naman madaya, mahal?" hindi ako maka hinga kakaiyak ngunit hindi iyon ang inaatupag ko.
Sa lahat ng pwede bawiin sa akin bakit si Simon pa?
"Malapit na nating maabot bakit kung kailan minahal na kita, binawi ka naman sa akin?"
"H-hindi ko na alam, Simon. Paano ako babangon sa lahat ng sakit? Mahal paano?" paghihinagpis ko habang hindi maawat ang bawat luha sa mata ko.
Simon died while saving me. He pushed me in the other lane before the ten wheeler truck hits me. And instead of me, sya ang namatay. Nakita ko lahat kung paano sya parang isang latang napipit sa gitna ng mga gulong.
He is my fiance for almost a year, we are arranged couple so I didn't love him at first but this time after all my realization, I can love him back but it's too late.
"Ate please continue the ceremony." awat sa akin ni Christine sa pag iyak kaya marahan akong tumango bago bumuntong hininga.
"Do you, Hanna take Simon as your lawfuly wedded husband?" tanong ng hari habang ako naman ay hindi malaman kung ngingiti o iiyak.
"Yes father, I do" maliit na napangiti ang pari tsaka iginiya ako sa kabaong ni Simon upang isuot ang sing- sing.
"I Hanna take Simon to be my lawfully wedded husband, in sickness and health through richer or poorer and even my last breath, even after another lifetimes you are still the one that I will choose. Ti'll death to us part." mahabang lintaya ko habang masagang umaagos ang aking luha.
"Now I announce you husband and wife!" saad ng pari at ngumiti ako ng malaki. Ganito pala ang pagmamahal. Totoong masaya at masakit.
Our love story is one of the perfect epitome of tragically love strory. Hindi ko pinangarap na mai kasal sa kahit na sinong lalaki. Dahil bata palang ako nang maka saksi ako ng pagmamahalang nasira.
Unang una kong naranasan ang sakit nang mag hiwalay ang mga magulang ko kaya pinangako ko sa sarili kong hindi ako magmamahal dahil hindi na ako naniniwala sa wagas na pag ibig but Simon shattered all my beliefs.
Natapos na ang seremonya at narito ako ngayon sa sementeryo nakatulala habang dinadasalan na ng pari ang kanyang labi. How can I get up from your memories, love?
Umihip ang malamig na hangin at dumampi ang lamig na iyon sa akin balat. Ipinaparamdam na talagang wala na sya, na hindi na sya babalik pa.
Hindi ko alam kung paano ako babangon sa bangungot na ito. Di ko alam kung paano, gigising akong di sya ang nakikita at kung paanong matutulog akong wala pa rin sya.
We almost did it but it was almost.