"Ito na ata ang pinakamagandang biyaya na natanggap ko ngayong pasko" saad ko sa aking isip habang nakatingin sa bituin mula sa kalangitan ito ang pinaka mahabang gabi sa buong buhay ko at makakasama ko ng matagal ang aking sinisinta.
Agad akong binalot ako ng malamig na simoy ng hangin at ramdam ko na nandyan lang sya sa paligid. Agad kong nakita ang isang anino sa dilim at ako'y napangiti
"Mahal andito kana ulit kay tagal kitang hinintay" saad ko pero hindi sya umimik.
"Balang araw makikita mo ako sa kalangitan maging isa ako sa mga bituin na kumikislap" sabi nya na may halong lungkot ang kanyang tono, nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi.
"Bakit may problema ba?" tanong ko habang pilit pinapalakas ang aking loob.
"Patawad kung iiwan na kita sa mundong ito panahon na parang kalimutan mo ako at gumawa ng sariling buhay, hindi ka nararapat sa akin dahil ikaw ay isang tao at ako ay iyong imahinasyon mo lamang"
mahabang lintaya nya sa akin habang ako nama'y patuloy na umaagos ang luha sa mata, kahit hindi ko sya nakikita ay ramdam ko ang lungkot sa kanyang salita.
"Alam mo bang gusto ko ring maging tao kagaya mo para nahahawakan kita, nakakasama, at naaalagaan ngunit sadyang mapaglaro ang mundo pinagtagpo tayo ngunit hindi tayo sa isa't-isa" saad nyang muli naramdaman ko na may malamig na hangin ang bumalot sa aking buong sistema alam kong niyakap nya ko kaya umiyak na ko ng tuluyan
"Mahal napaka daya mo naman iiwan mo ko mag-isa, hindi mo manlang sinabi sakin nuon habang maaga pa para maihanda ko naman kahit papaano yun sarili ko" saad ko habang umiiyak
"Pasensya na ngunit mas magandang piliin ang tama kesa sa ikakasaya mo, mas magandang piliin mo ang tama kahit alam mong masasaktan ka dahil para naman sa ikabubuti ng lahat kesa sa ikakasaya mo ngunit pawa mga kasinungalingan lamang" sabi nya at tinanggal na ang pagkakayap ko sa kanya
"Mahal. . h-hindi ko kaya" humihikbi kong saad unti - unti na syang naglalaho sa dilim habang sumisikat ang liwanag hinabol ko sya at nag mamakaawa
"Mahal please wag ka umalis please dito ka lang wag mokong Jean" pagmamakaawa ko .
"tumingin ka lang sa bituin sa kalangitan hanapin mo ang pinakamaliwag sa lahat siguradong ako yun" huling bulong nya at tuluyan nang naglaho sabay ng pagbukang liway-liway. Lumuhod ako sa damuhan at patuloy na umiyak
"Sa susunod na yugto ng ating buhay sisiguraduhin kong hindi mo na ko iiwan"
Sabay non ay ang patama ng sikat ng araw sa aking mukha. At tuluyan na akong nagising sa aking panaginip napansin kong may kung anong likido ang umaagos sa aking mukha pinahid ko ito at nalaman kong ako ay umiiyak.
"Hihintayin kita sa ating tagpuan hanggang sa ikaw ay bumalik pangako"