‘Life is too sacred and valuable to be wasted for meaningless things. Value your self being, value your time, value your purpose, value your commitment and value the importance of trust.’ – Anil Sinha Ilang minuto lang din ang hinintay namin at may lumabas na lalaki sa kwarto. Napatayo naman ako kaagad nang makita siya. Hindi naman ako judgmental na tao pero hindi ko lang inaasahan na siya pala ang sinasabi ni Andrew na kakilala niya. Ang nasa isip ko kasi is very detective like kagaya no’ng sa kaibigan ni Luna, hindi ‘yong long haired na lalaki na para bang scientist ang dating. Well, never mind, basta ba matutulungan niya kami ay ayos na sa akin. Medyo nailang pa nga ako dahil tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Pero nawala rin siya sa paningin ko ng harangin ako ni Andrew kaya n

