‘I must govern the clock, not be governed by it.’ – Golda Meir Ilang minuto pa ang inabot namin sa byahe at nakarating din kami sa lugar kung saan ‘yong opisina no’ng sinasabi niya na kakilala niya. Ipinarada niya lang ang sasakyan niya sa gilid at saka bumaba na siya kaya naman lumabas na rin ako at sumunod sa kanya. “Saan dito ‘yong opisina niya?” nagtatakang tanong ko sa kanya dahil wala naman akong makitang pwedeng opisina rito dahil puro bahay ang nasa kabuuan ng kalye na binabaan namin. Nang ilibot ko ang tingin ko sa kalye ay may mga eskinita pa pala sa gilid at mga batang naglalaro sa kalsada. “Sa may dulo pa kaya kailangan nating maglakad. Hindi kasi kakasya ‘yong sasakyan, ayos lang ba?” tanong niya pa kaya naman tumango ako. Sinigurado niya muna na naka-lock ang sasakyan niy

