‘The bad news is time flies. The good news is you're the pilot.’ – Michael Altshuler “Hey, it’s not like that,” wika ko sa kanilang dalawa. Nang umalis kasi sila kanina ay agad din akong sumunod sa kanila para magpaliwanag. Ayoko naman kasing isipin nila na may tinatago ako kahit wala naman talaga. We promised that we won’t be keeping secrets with each other. “No need to explain, T,” sabi pa ni Luna kaya naman napatigil din ako sa pagsunod sa kanila. “What favor are you asking for? Sabi mo kanina ay kailangan mo ng tulong,” pag-iiba niya ng usapan kaya naman tumango ako. ‘Yon din naman ang pakay ko kaya mas mabuting ‘yon na ang pag-usapan namin. “Yeah,” maikling sagot ko sa kanya. Muli naman silang naupo kaya naupo na rin ako sa katapat na sofa. Ilang oras na rin naman na kasi ang nasay

