‘Once you have mastered time, you will understand how true it is that most people overestimate what they can accomplish in a year - and underestimate what they can achieve in a decade!’ – Tony Robbins Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko. Hindi ko tuloy nagawang buksan kaagad ng pintuan para makapasok siya. Ilang minuto rin kaming nagtitigan bago niya tuluyang binasag ang katahimikan. “Ano? Magtitinginan na lang ba tayo rito? Hindi mo ba ako papapasukin?” mataray na sabi niya sa akin kaya naman tuluyan kong binuksan ang pinto para makapasok siya. Dire-diretso na rin naman na siya sa loob kaya naman agad kong isinara ang pinto at sumunod sa kanila. Nang makapasok kami ay napansin ko pa ang pagtayo ni Andrew para magpakilala kay Hazel. Sa video call lang nama

