‘Your future is created by what you do today, not tomorrow.’ – Anonymous “And you are?” kaagad na tanong ni Luna nang makaupo kami. Hindi man lang pinalipas ng ilang minuto bago makaupo ‘yong tao. Napasimangot tuloy ako sa kanya na mukhang napansin naman niya dahil tinarayan niya lang kami. “I’m Eng. Andrew Roxas,” pakilala naman ni Andrew sabay lahad ng kamay niya for a hand shake na kaagad din namang tinanggap ni Luna. Matapos ‘yon ay saglit pa siyang tumingin sa amin ni Andrew at nagpaalam sandali na may kakausapin lang daw siya. Nang makaalis sa harapan namin si Luna ay kaagad naman akong bumaling kay Andrew at tuluyang humarap sa kanya. Nakatingin din naman siya sa akin kaya naman saglit akong sumilip ulit kay Luna bago nagsimulang nagsalita. “Bakit hindi mo binasa ‘yong message k

