‘He who know most grieves most for wasted time.’ – Dante Napabalikwas naman ako ng bangon dahil sa ingay ng cellphone ko. At nang magdilat ako ng mata ay saka ko lang na-realize na umalit na namang muli ang araw. Napabuntong hininga na lang din tuloy ako dahil sa nangyari. Bigla ko tuloy naalala si Andrew, pero palagay ko naman ay ayos na siya ngayon. Pinatay ko na lang din ang cellphone ko dahil alam kong si Lhia lang naman ‘yong tumatawag at ipapaalala niya lang naman ‘yong event mamaya na paulit-ulit din nangyayari. Nagsasawa na tuloy ako sa paulit-ulit na bungad sa akin ng tawag ni Lhia kahit na hindi ko pa naman sinasagot. Naisip ko rin tuloy ang pagpunta mamaya rito ni Luna. Hindi ko na rin tuloy alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin sa kanya o kung ano pa ang pag-uusapan nam

