‘You can fool all the people some of the time, and some of the people all the time, but you cannot fool all the people all the time.’ At dahil nakaharap ako ngayon sa pwesto ni Andrew ay nakikita ko kung paano niya isara ang mga kamao niya at panggigilan ‘yon. Nang aksidente akong mapatingin sa relo ko ay saka ko lang napansin na ilang minuto na lang naman na ang natitira sa amin. Nang magkatinginan kami ni Andrew ay napansin ko na gusto niyang lumapit sa pwesto namin para sugurin ang killer kaya lang ay umiling lang ako sa kanya. Naisip ko lang na ilang minuto na lang din ang natitira, baka pwede naming patagalin ‘yong oras ng pagpatay niya sa amin hanggang sa matapos ang araw na ‘to. Wala akong matinong plano na naiisip pa sa ngayon pero hindi rin naman kami pwedeng magpadalos-dalos,

