‘When you love what you have, you have everything you need.’ – Anonymous “Pakiramdam ko ay familiar sa akin ang boses niya,” wala sa sariling sabi ko ng matapos ang tawag. Kahit nakapatay na ang cellphone ay nanatili pa rin akong nakatingin do’n. Feeling ko kasi ay kapag tumingin ako ro’n ay maaalala ko kung saan ko ba narinig ang boses na ‘yon. “Did you two already talk?” agad na tanong naman sa akin ni Andrew at naramdaman ko pa na humarap siya sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay seryoso rin siyang nakatingin sa akin kaya naman umiling ako. Imposible naman na nakausap ko na ang killer ko. No’ng mga nakaraang araw na sinubukan niya akong patayin ay ilang beses pa akong paulit-ulit na nagtanong sa kanya kaya lang ay hindi naman niya ako sinasagot at tinitignan lang. Pero malakas ta

