Chapter 4

1476 Words
‘Time isn’t the main thing. It’s the only thing.’ – Miles Davis It’s been an hour simula ng matapos ang event. Nakakapagod din pala ang ilang oras na pagpirma at pag-ngiti, pero sulit naman kasi kahit na napagod ako ay napasaya ko naman ang mga taong walang sawang sumusuporta sa mga nobela na sinusulat ko. Kaya naman nakakagaan ng pakiramdam. Nakakatuwa rin na malaman na nai-inspire sila sa mga sinusulat ko at sa mga characters na ginawa ko mismo. No’ng una ay ginagawa ko lang ang pagsusulat para malibang ako, pero ngayon na may nai-inspire pala ako na mga readers ay parang mas ginanahan tuloy ako na magsulat nang magsulat. Nakakatuwa rin dahil bago matapos ang event ay dumating ang mga kaibigan ko pati na rin si Luna na siya palang sinasabi kanina ni PD Kyle na special guests ko. Kaya naman sobrang saya ko ng matapos ang event dahil akala ko in-indian na ako ng mga kaibigan ko. Ayos lang din naman sa akin kung hindi talaga sila makakapuntahan dahil naiintindihan ko na busy din sila sa kanya-kanya nilang trabaho. Paniguradong malulungkot ako dahil hindi sila nakapunta sa isa sa mga importanteng araw sa buhay ko pero maiintindihan ko naman. Matapos kong maayos ang mga gamit ko at ilang libro ay nagpaalam na ako sa mga PDs at mga staff na kasama ko sa waiting room. Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanila dahil isa rin sila sa dahilan kaya naging maayos ang daloy ng event. Kami-kami na lang din ang naiwan dahil nakauwi na ang iba. Anong oras na rin naman na kasi at lumagpas pa nga kami sa estimated time namin na matatapos ang event. Hindi naman sila nag-reklamo pero alam ko na napagod din sila. Nauna na rin umalis si Lhia dahil may urgent meeting daw sila. Wala pa nga sana siyang balak na iwan ako dahil baka mamaya ay may makakita raw sa akin na readers at dumugin ako. Natawa na nga lang ako sa sinabi niya dahil imposible naman na mangyari ang bagay na ‘yon. Kahit na matagal na akong nagsusulat ay bago pa lang din naman akong author para sa iba kaya naman hindi na ako nage-expect na sobrang dami ng nakakakilala sa akin. Masaya na ako kung may nakakakilala man sa akin at sa mga gawa ko. Kasi hangga’t may nagbabasa ng mga sinusulat ko ay hindi ako titigil sa paggawa ng nobela. Ito lang din naman ang nagpapasaya sa akinl. Kaya nga ng malaman ko na magkakaro’n ako ng event ay sobrang saya ko talaga. Paglabas ng waiting room ay naabutan ko pa ang production team na inaayos ang mga props and designs na ginamit kanina. Napansin ko tuloy na kung napagod ako kanina ay paniguradong mas napagod sila. Mula kasi sa pinakasimula ng event ay nand’yan na sila para lang masigurado na magiging maayos ang lahat. “Bye, Kuya!” kumaway naman ako kay Kuya Benjo, hindi na rin ako lumapit pa sa kanila dahil baka maka-abala pa ako. Isa pa ay nagtatanggal sila ng mga decorations na nakasabit sa kisame. “Sige, ingat ka Miss T!” sigaw naman niya pabalik, nasa taas kasi siya ngayon dahil siya ang nagtatanggal ng mga ilaw na kinabit nila kanina. Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad matapos magpaalam sa kanila. Nang makarating ako sa parking lot ay para bang kinilabutan ako. Nagtaasan ang balahibo ko dahil sa hampas ng hangin sa balat ko. Mukhang jacket ang nakalimutan kong dalhin. Ewan ko ba, kapag ganitong gabi talaga ay lagi akong nilalamig. Habang naglalakad papunta sa kotse ko ay bigla kong napansin ‘yong kabababa lang ng sasakyan. Hindi ko matukoy kung babae ba siya o lalaki dahil balot na balot ang katawan niya. Ang weird tuloy dahil parang may tinataguan siya. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin at kaagad na pinatunog ang kotse ko. Nakalimutan ko palang itanong kay Kuya Benjo kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Kanina kasi ay inalis nila ‘yong sa pinag-parking-an ko dahil may dumaan na truck. Ayan tuloy ay hindi ko makita ang sasakyan ko. Ang dami pa namang kotse rito dahil amy residential sa taas. Medyo madilim na rin kaya naman kailangan ko pang isa-isahin ang mga sasakyan na nadadaanan ko. Hindi ko naman pwedeng pag-basehan ang kulay ng sasakyan dahil halos lahat ng sasakyan dito ay itim rin katulad sa akin. Ramdam ko na sumasakit na rin ang mga paa ko dahil kanina pa ako naka-heels. Mukhang kailangan ko na talagang mag-exercise araw-araw dahil hindi pwedeng lagi na lang akong nakaupo at nakaharap sa laptop ko buong araw. Ayan tuloy ay parang ang bilis kong mapagod. Kaya naman kahit hindi gano’n ka-grabehan ‘yong ginawa ko ngayong araw ay naramdaman ko na kaagad ang pagod at sakit ng katawan. Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang elevator na nasa gilid ko. ‘Yon pala ay may bumaba lang. Pagkalabas nila ay dire-diretso sila sa kotse nila kaya naman naiwan na naman akong mag-isa. Kanina ko pa pinapatunog ‘yong sasakyan ko pero hindi ko marinig ‘yong alarm. Mukhang hindi ata rito nakaparada ang sasakyan ko. At dahil nakarating na ako sa dulo pero hindi ko pa rin nahahanap ang sasakyan ko ay nagpasya na akong bumalik muna sa loob para tanungin na mismo si Kuya Benjo. Mas matatagalan pa kasi ako kung iisa-isahin ko pa talaga ang mga sasakyan. Napapagod na rin kasi talaga ako at gusto ko nang mahiga kaagad. Na-miss ko tuloy ‘yong kama ko. Dahil kahit na malayo siya ay pakiramdam ko ay tinatawag na niya ako. Habang pabalik ay napansin ko ulit ‘yong misteryosong lalaki na nakatayo sa gilid na para bang may hinihintay. Hindi ko alam pero parang kinabahan tuloy ako kahit wala naman siyang ginagawa. Nakadagdag din kasi sa kaba ko ‘yong paligid dahil bukod sa malalim na ang gabi ay walang ibang tao na narito bukod sa aming dalawa. Ang bagal ko tuloy maglakad dahil nananakit na rin ang mga paa ko. At nang mukhang napansin niya ako na papadaan sa sa pwesto niya ay tumingin siya sandali sa relo niya at naglakad na rin papasalubong sa akin. Mukhang masyado lang ata akong tamang hinala, baka naman may hinihintay lang siya at nainip na kaya paalis na rin. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa bandang dulo rin kasi ang sasakyan niya dahil nakita kong ipinarada niya ‘yong do’n. At dahil tahimik ang buong lugar ay tanging mga yapak ko lang ang maririnig dahil sa tunog ng stiletto na suot ko. Hindi ko alam pero habang papalapit siya sa pwesto ko ay palakas din nang palakas ang t***k ng puso ko. Ilang metro na lang din naman ang layo namin kaya naman nagkaro’n ako ng pagkakataon na makita ang buong mukha niya. Pero hindi rin pala dahil nakasuot siya ng face mask kaya naman ang mata niya lang ang nakita ko. nang magkatitigan kami ay parang nakaramdam ako ng sense of familiarity. Na para bang nagkita na kami rati pero hindi ko lang matukoy kung saan. At nang tuluyan na ngang magkalapit ang pwesto namin ay naramdaman ko ang pagbangga niya sa akin. Napahinto tuloy ako sa paglalakad at napatingin sa kanya pero hindi ko na ulit nakita ang mga mata niya dahil sa pagkakayuko niya at sa sombrero na suot-suot niya. Matapos niya akong mabangga ay wala siyang sinabi at muling nagpatuloy sa paglakakad na para bang walang nangyari kaya naman muli akong napasulyap sa kanya. magsasalita pa sana ako kaya lang ay parang hindi ko magawang ibuka ang bibig ko kaya naman nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi ko rin magawang ihakbang ang mga paa ko dahil pakiramdam ko ay parang naparalisa ang buong katawan ko. At dahil do’n ay napaluhod ako sa sahig at saka ko lang naramdaman ang pagkirot ng tiyan ko. Nang hawakan ko ang katawan ko ay do’n ko lang napansin ang parang malapot na likido na tumutulo mula rito. At nang tignan ko ito ay do’n ko lang napansin na dugo ko na pala ang umaagos dito. Dahil sa sakit ay tuluyan na akong napaupo sa sahig. Sinubukan ko namang kapain ang cellphone ko sa bag ko pero hindi ko ito makita. Habang ang isang kamay ko ay abala sa pagpigil sa dugo na lumabas ang isa naman ay abala sa paghahanap ng cellphone ko. Pero tuluyan na akong nanghina kaya naman hindi ko na magawang maigalaw pa ang kamay ko. Unti-unti na ring lumuluwag ang pagkakahawak ko sa tiyan ko kaya naman malaya nang nakaaagos ang dugo. Nanlalabo na rin ang paningin ko at bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko pa ang pares ng mga paa na papalapit sa akin kaya naman inihaba ko ang kamay ko para tawagin siya. Pero huli na rin ang lahat dahil unti-unti na akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD