‘The common man is not concerned about the passage of time, the man of talent is driven by it.’ – Shoppenhauer “Ano pala ang plano mo ngayon?” tanong ko sa kanya at saka ako naupo rin. Kanina pa kasi ako nakatayo kaya naman nangangalay na ang mga paa ko. Saglit naman siyang tumingin sa akin kaya naman napataas ang kilay ko sa kanya. “Ikaw, ano ang plano mo?” balik na tanong niya sa akin. tinarayan ko na lang tuloy siya. Kaya ko nga siya tinatanong kasi wala naman akong plano, Baka nga sakali na mas may maisip pa siya na gawin kaysa sa akin. “Hindi ko alam. Ang dami ko nang nagawa para lang tigilan ako no’ng killer ko pero hindi naman ako nagtatagumpay. Sa huli ay napapatay niya pa rin ako, kaya nga wala na rin akong maisip pa na gagawin,” seryosong sabi ko sa kanya. “Ano palang nangyar

