‘Family time is sacred time and should be protected and respected.’ – Boyd Paker “Sure! Ayos lang naman sa akin,” nakangiting sagot ko sa kanila. Kakilala naman kasi nila si Andrew kaya ayos lang naman. Isa pa ay dalawa lang naman kami kaya may space pa sa table. Napansin ko naman na tatabi pa sana sa akin ‘yong blonde ang buhok kaya lang ay sumingit kaagad si Andrew at naupo sa upuan na nilagay no’ng kaibigan niya. Kaya naman siya na ang katabi ko ngayon. Nagtataka man sa ikinikilos niya ay hindi ko na lang siya pinansin pa. Naupo na rin naman na ‘yong tatlo sa harapan namin at maya-maya lang din ay may lumapit na bata sa amin para kunin ‘yong order namin. At dahil hindi ako familiar sa mga tinda nila rito ay si Andrew na ang hinayaan ko na mag-order para sa aming dalawa. Nagugutom na

