‘While we try to teach our children all about life, our children teach us what life is all about.’ – Angela Schwindt Matapos naming kumain ay nagpaalam din kami sa mga kaibigan niya. Anong oras na rin naman na kasi at may mga kailangan pa kaming gawin. Habang naglalakad kami pabalik ay ramdam ko na parang ang seryoso masyado ni Andrew. I mean, seryoso naman siya lagi kaya lang ngayon ay parang iba. Parang sobrang seryoso niya talaga, parang wala sa mood gano’n. Hindi tuloy ako nagsasalita dahil feeling ko ay any moment ay bubuga siya ng apoy, kaya naman nanahimik na lang ako. Wala rin naman siyang sinasabi kaya naman parehas kaming hindi umiimik. Nakasunod lang naman ako sa kanya hanggang sa makabalik kami, gusto ko sanang mauna sa paglalakad dahil bigla rin akong nawala sa mood dahil s

