"OH, MY God, Chanel! Ang bagal-bagal mo! Bilisan mo nga kumilos!" tungayaw ni Cassandra sa kapatid. Kahit kailan, ubod ng bagal nito kumilos! "I'm coming!" sigaw naman nito mula sa itaas ng kwarto. She rolled her eyes at bumaling ng harap sa kabilang direksyon where her husband and Dad was sitting. "Anong itinatawa niyo ?" nahuli niyang may pinipigilang ngiti ang mga ito na agad nilang itinago nang humarap siya sa dalawa. "Cool down, Cass. Maaga pa naman, come here. Mag juice ka na muna." natatawa ng tawag sa kaniya ng asawa niya. Inirapan niya si Daryl at nag martsa palapit sa dalawang ito, naupo siya sa pagitan ni Daryl at Dad. "Nakakainis ever eh. Parang pagong kumilos 'yang si Chanel. Siya ang bubulyawan ko kapag na-late tayo sa flight natin." Ngayon ang nakatakdang pag-alis nila

