"ARE you sure you can talk to him?" tanong ni Daryl kay Cassandra. They are inside his car, parked in front of a restaurant. Sinulyapan niya si Daryl at marahang tumango. "I think so." "Be good to him, Cass." ngumiti sa kaniya ang asawa at marahang pinisil nito ang kaniyang palad. Dumukwang siya kay Daryl at niyakap ito, humuhugot siya ng lakas ng loob sa mangyayaring ito. She can't exactly tell how she is feeling right now, kinakabahan siya honestly. Inside the restaurant waiting for her is the person she hates the most. "I'll try." malungkot siyang napangiti. "I know you can. Ito ang isa sa mga pagkakataon na hinihintay ko na gawin mo. You can do better than loathing him." hinaplos ni Daryl ang kaniyang buhok at mabilis siyang hinalikan. "Gusto mo ba na samahan kita sa loob?" Umili

