"WHAT motif do you want for your wedding?" tanong ni Corin, ang event planner na kinuha nila. Sa sobrang hectic ng schedule nilang dalawa ni Daryl idagdag pa ang pagdadalantao niya, hindi na nila kakayanin pang mag-asikaso ng kasal. Besides, they have the money to pay her. Nagpapasaklolo siyang napatingin kina Gino at Chanel who were sitting beside her. Nasa AGC main office sila ngayon dahil katatapos lang ng isang meeting ni Cassandra. "Ikaw? Wala pa ba kayong napag-usapan ni Daryl?" tanong ni Gino. Umiling siya. Sabi naman ng asawa niya, siya na ang bahala. "Wala ka ba napapa-plano kahit noon pa sa isip mo kapag ikinasal ka?" tila naman namamanghang tanong ni Chanel. Napakamot si Cassandra sa noo at muling umiling. "Wala." totoo naman na hindi niya kailanman naisip kung ano-anong d

