"Mga gago sila, yam!" Kunwa ay sumbong ni Cassandra habang naglalakad na sila palapit sa mga kasabwat ni Daryl sa nangyari. Humigpit ang yakap ni Daryl sa baywang ni Cassandra. "Sssh.. Stop cursing." saway naman kaagad nito. Her ever good husband. "Ako ang may ideya nito, okay?" hinalikan nito ang gilid ng noo niya. Mas lumakas ang kantiyawan nang tuluyan na silang makalapit sa mga kasama. "Speechless ang peg ni Cassy kanina! Did you see that, guys?" malakas na sabi ni Gino. Kumalas si Cassandra sa yakap ni Daryl at nilapitan si Gino. Mariin niya itong kinurot sa tagiliran. "Awww! My precious skin, Cassy! You're putting a disgusting mark on it! How could you!!" maarte na pagsaway nito na umiilag sa aktong pagkurot niyang muli sa kaibigan. Natawa silang lahat sa inaakto nito. Huminga si

