NAPAMULAT si Cassandra ng mga mata. Kasalukuyang masakit ang ulo niya. Halos hindi pa sapat ang tulog niya dahil nagpakasubsob siya sa trabaho kagabi. Tinapos niya na ang lahat ng maaring tapusin kahit hindi naman mga urgent. Gusto niya lang malibang at maiwasan isipin na mag-isa siya sa bahay na ito. Ilang araw na nga ba siyang nag-iisa dito? Eight days na. At sa loob ng eight days na wala ang asawa niya, dalawang beses lang itong tumawag sa kaniya. Una ay noong kararating lang nito sa US. Wala ngang emosyon ang pagkakasabi nito nang ipaalam sa kaniya na matiwasay itong nakarating sa US. Considerate din naman kahit konti 'no? At pangalawang tawag nito ay noong tatlong araw na ang nakalilipas. May itinanong lang sa kaniya si Daryl. Wala pa nga yatang isang minuto ang naging pag-uusap nila

