"ANO, HANDA na ba?" tanong ni Cassandra kina Gino at Chanel pagkalabas niya ng silid. Katatapos niya lang maligo at paalis na rin kaagad. "Oo heto, sis." inabot sa kaniya ni Chanel ang isang brown paper bag na naglalaman ng packed lunch na inihanda nila. Pasado alas otso pa lamang ng umaga nang dumating dito sa bahay sina Chanel at Gino para tulungan siyang maghanda ng pagkain para kay Daryl kahit pa sinabi niya na kaya naman niyang na mag-isa. Nagpumilit pa rin ang dalawa na tulungan siya. "Thanks." nginitian niya ang kakambal at hinalikan sa pisngi bago lumapit naman kay Gino at niyakap ang kaibigan. "Thanks, baks." "Bakla ka dyan!" tili ni Gino na ikinatawa niya ng bahagya. "Go na! 11:00 na, umalis ka na para maabutan mo pa bago makakain si Fafa Daryl!" pagtataboy nito sa kaniya. "O

