PININDOT ni Cassandra ng mariin at nang sunod-sunod ang remote control ng TV. Naiinip na siya! May kalahating oras na siyang nakatunganga sa harapan nito ngunit hanggang ngayon wala pa rin siyang makita na makakakuha ng kaniyang atensyon. Letseng buhay naman talaga! Ibinato niya ang remote at padabog na tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Linggong-linggo pero nakatengga siya rito sa bahay. Lonely Cassandra is back! Kahit sina Chanel, Gino o kahit si Yuan hindi siya tinatawagan para kamustahin kung buhay pa ba siya o nagpatiwakal na dala ng pangungulila sa asawa. Wala na naman bang nagmamahal sa kaniya? Imbis na mas atakihin ng depression ay naisipan ni Cassandra na lumabas at maglakad-lakad sa compound nitong condo building. Mas mabuti na ito kaysa magmukmok. Wala naman siya sa mood na

