"OKAY fine! Don't nag me, okay?!" inis niyang bulalas kay Chanel habang naglalakad si Cassandra patungo sa parking lot. Chanel, Kazu, Yuan, and Gino were texting her the whole day! Nag text brigade talaga ang mga ito sa kaniya maghapon na labis niyang ikinainis. Makipag-kita naman daw siya sa mga ito dahil halos dalawang linggo na siyang MIA. Kasalanan niya ba kung sobrang hectic talaga ng schedule niya? Kaliwa't kanan na ang kailangan niyang asikasuhin sa mga negosyong hawak, sumabay pa ang problema ng Villamor Hotel sa pinakabagong branch nito sa Bali, Indonesia. Kinukulit na rin siya ni Uncle Henry na siya ang mag-asikaso ng problema doon dahil hindi na nito magawang bigyan pa ng oras. And she just couldn't say no to her Uncle, and he's fully aware of that-- that's why he's taking advan

