KABANATA XIX: SUBOK

3064 Words
Wala sa sarili si Patricia na pabalik sa tinitirahan. Bitbit pa rin niya ang damit ng kaibigang si Martin. Humahangos at tila wala sa sarili, ngunit hinayaan lamang niya ang sariling magluwal ng luha. Hindi na niya alam kung saan at paano magsisimula, gayong wala na ang matalik niyang kaibigan. Pinagtitinginan din siya ng mga taong nadadaanan niya tulad ng inaasahan, ngunit wala siyang pakialam doon. Pakiramdam nga niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Walang ganang binuksan ni Patricia ang pinto ng bahay. Sumaoubong sa kanya ang nanlalaking mata ng pusa, habang hinihintay na kuhanin siya nito. Ngunit si Patricia ay dire-diretso lamang sa loob at nilampasan ang pusang kanina pa naghihintay sa kanya. Umupo siya sa sulok at niyakap ang damit ng kaibigan. Unti-unti na namang tumutulo ang kanyang luha nang inaalala ang mga usap-usapan na kanyang narinig. Wala siyang ideya na si Marvin pala ang kalunos-lunos na pinatay ng mga balak niyang iligtas kanina. "M..marvin," bulong niya sa sarili at patuloy pa ring umiiyak. Nilapitan siya ng itim na pusa at nagtago sa pagitan ng kanyang hita. Napansin iyon ni Patricia kaya kinuha niya ito. "Wala na siya. Wala na ang kaibigan ko..." Habang yakap-yakap ni Patricia ang pusa ay tuluyan na siyang humagulgol. Pakiramdam niya ay ubos na ubos na ang kanyang lakas ngayong araw. Hinayaan lamang niya ang sariling nakayakap sa pusa,hanggang sa hindi niya namalayan na nakaiglip siya kakaiyak. Pag-gising ni Patricia, sumalubong sa kanya ang ilaw na nagmumula sa labas ng poste. Hindi niya namalayan na nakatulog siya ng gano'n katagal. Pagtingin niya sa kanyang braso, wala na rin ang pusa at tanging damit na lang ni Marvin ang naiwan. Mlungkot at nanghihina siyang nagpunta sa kusina upang maghanap ng pagkain. Nakita niya ang isang kaserola na pinaglutuan ni Marvin kahapon, kaya hinawakan niya iyon. Pakiramdam niya tuloy ngayon ay wala siyang ganang kumain. Mag-isa na naman siya sa hapagkainan at mag-isa sa buhay. Gustuhin man niyang may makakausap ngayon ay hindi niya magawa dahil wala siyang gaanong kakilala. Parang ayaw ring bumuka ng kanyang bibig sa sobrang pagod. Binuksan ni Patricia ang gasera at umupo sa monoblock. Habang nakaatitig sa apoy na nagsisimulang lumaganap sa loob ng bahay, inalala niya si Maarvin at kung paano siya napunta sa gubat. Kung bakit nito balak tumakas at sino ang mga pumatay sa kanya. Mga kampon ba iyon ni Liriko? Pero bakit nila nagawa 'yon? "Ang daya mo naman, Marvin," bulong niya sa kawalan. "Ang daya mo. Sabi mo sabay pa tayong lalabas dito. Bat nauna ka nang lumabas sa'kin?" Napasubsob na lang sa mesa si Patricia at napapikit. Bukas na magsisimula ang kanilang ikatlong antas. Hindi niya alam kung may lakas pa siyang harapin iyon. Sa mga oras na ito, mas gusto na lang niyang mamatay na lang kaysa ipagpatuloy pa ang laban. Bigla namang kumalam ang dalaga kaya umangat ang kanyang ulo at tumingin sa basket na nasa mesa. Naalala na naman niya si Marvin dahil doon. Madalas kasing punuin ng mga prutas ni Marvin ang basket, para raw hindi sila magutom kung saka-sakali. Kinuha ni Patricia ang isang atis. Mabilis lang niyang binuksan iyon dahil sobrang hinog na. Habang kumakain, naalala niya ang kabataan nila ni Marvin. Flashback Palaging tinutukso si Marvin ng mga kaklase. Dahil nga isang mayor ang ama nito ay kilala sila sa buong baryo. Siguro ito na rin maharil ang nag-udyok sa ama ni Marvin upang ikahiya ang kaibigan. Naging magkaibigan sila nang minsang napaaway si Marvin sa mga lalaki. Inaasar kasi nila si Marvin at hinuhubad ang short nito. Kapagkuwan ay iiyak na lang si Marvin at yuyuko sa kanyang upuan. Sakto naman dahil magkaklase ang dalawa, bagong dating no'n si Patricia at masayang kumakain ng ice candy na binili ng kanyang ama. Pagkapasok niya sa room ay nakita niyang umiiyak na lang si Marvin sa kanyang upuan, habang patuloy pa rin siyang inaasar ng mga kaklase. Biglang nag-init ang ulo ni Patricia at walang alinlangan na hinampas niya ng hawak na payong ang mga lalaking kaklase. Marunong na siyang gumamit ng arnis noon, kaya sa huli, ang mga lalaki nilang kaklase ang nagsumbong sa guidance. Dumating ang ina ni Patricia. Hindi siya pinagalitan nito. Si Marvin naman ay isang masamang tingin ang inabot sa kanyang ama dala ng kahihiyan. Pinaliwanag lahat ni Patricia ang nangyari at sinabing walang kasalanan doon si Marvin. Matapang na si Patricia simula noon, dahil noong ayaw maniwala ng kanilang punongguro ay binigyan niya pa ito ng dibidendo. Kapag totoo raw ang sinabi ni Patricia ay masususpend ng ilang araw ang mga kaklaseng lalaki, kapag siya naman daw ang may kasalanan, maaari raw siyang ipatanggal sa eskwelahan. Sa murang pag-iisip ni Patricia ay napahanga ang mga guro pati na ang kanyang magulang. Sa huli ay umamin din ang tatlong batang lalaki sa kanilang ginawa at humingi ng tawad kay Marvin. Simula noon ay hindi na tinangka ng mga batang lalaki na lapitan si Marvin, dahil lagi ng kasama nito ang bago niyang kaibigan na si Patricia. Sa tuwing pinapalayas din si Marvin sa bahay nila ay dumidiretso siya sa bahay nina Patricia. Pagkatapos niyon ay pinagluluto sila ni Maria ng mainit na sabaw at doon na papatulugin. Malaki ang utang na loob ni Marvin sa pamilya ni Patricia dahil sila ang kumukupkop sa binata kapag pinapalayas o hindi siya pinapakain ng magulang. "Akala ko pa naman matitikman mo ulit yung gawa ni inay na kakanin," saad pa ni Patricia bago isubo ang atis. Pagkatapos niyang kumain no'n ay naglatag na siya ng banig. Maglalagay pa sana siya ng isa pang unan sa katabi, ngunit napangiti na lang siya ng mapait. Pagkahiga ni Patricia, nagbulay-bulay muna siya habang nakatingin sa bubong. Nang ipipikit na sana niya ang mata, bigla namang may kumatok sa labas ng pinto. Sinubukan niya muna iyon silipin sa ilalim, nang makita ang isang maliit na paa. Napakunot ang noo niya. "Anong ginagawa rito ng batang 'yon?" tanong sa sarili. Pinagsawalang bahala lamang niya iyon, at aktong matutulog na sana ngunit kumatok muli ang bata sa pinto. Tamad na tamad siyang tumayo at bubuksan ang pinto. "Ano bang kailangan m—" Hindi natuloy ni Patricia ang kanyang sasabihin nang bumungad sa kanya ang isang batang lalaki na kasing taas lamang ng isang standfan. Nakangiti ito habang may hawak na sobre. "Para sa inyo po," magalang na sabi ng bata sabay inabot kay Patricia ang kulay kayumangging sobre. Tinanggap naman iyon ni Patricia. "Para saan ito?" tanong niya sa bata. Ngunit ang bata ay kibit balikat lamang ang kanyang sinagot. "Sige salamat," pagkasabing 'yon ni Patricia ay naglakad naman paalis ang bata. Pinagmasdan niya pa iyon hannggang sa makalayo ang bata. Napangiti siya ng bahagya. Pagkasara ng pinto, dumiretso si Patricia sa tabi ng mesa at binuksan ang sobre. Para sa lahat ng manlalaro, Bukas, sa ganap na alas syete ng umaga, binibigyan kayo ng limang oras ng ating pinuno upang makapaghanda. Kailangan ninyong makapaghanap ng isang tali na masisigurado ninyong matibay o di kaya isang lubid. Magsisimula ang inyong pagsasanay sa ganap na alas dose ng tanghali at magsisimula ang ikatlong antas sa ganap na ala una ng hapon. Mahalagang intindihin ang nilalaman ng sulat, dahil dito nakasalalay ang inyong buhay. Nawa'y masiyahan kayo sa aming gagawin. Galingan ninyo sa laro dahil may hinandang surpresa ang ating pinuno sa kung sino man ang manalo. Maraming salamat "Ano na naman kayang binabalak ng mga 'yon?" tanong ni Patricia saka nilamukos ang hawak na papel. Nawala ang antok na kanyang nararamdaman at nagsimulang mag-isip kung ano nga ba ang dadalhin niya. Nakakita siya ng isang mahabang tali na nakalaylay sa may banyo. Naglakad si Patricia at inabot niyon. Isang yarda lang pala ang haba. "Pwede na siguro 'to," bulong sa sarili saka niya ito binulsa. "Ano na naman kaya ang pakulo nila? Bakit may practice pang magaganap, e mamamatay din naman sa huli," dagdag pa niya. Mabilis na napabangon si Patricia nang marinig ang malakas na humpay ng trumpeta. Nagkakagulo na rin ang mga tao sa labas, kaya wala ng sinayang na pagkakataon si Patricia para asikasuhin pa ang sarili. Pagkatapos niyang magmumog ay kinapa muna niya ang tali na nakuha niya kagabi. Isang manipis na tela lamang iyon. Saka siya lumabas. Paglabas niya ay bigla muli siyang napaatras sa kinatatayuan. Takang-taka niyang tiningnan ang isang matanda na may dalang mahabang lubid sa kanyang balikat. Iyong iba ay mga kawad pa ng kuryente. Napataas ang kanyang kaliwang kilay habang kinapa ang dala niyang tali. "Bakit ang hahaba naman ng kanila?" tanong sa sarili. Paglampas ng lalaki, mayroon siyang nakitang dalawang paslit na batang lalaki ang hirap na hirap hilahin ang mahabang lubid na nakapalupot. Tatlo silang nagtutulong-tulong ngunit hindi pa rin sapat ang lakas nila para doon. Nilapitan sila ni Patricia kaya napahinto ang tatlo. "Gusto niyo ba ng tulong?" tanong ni Patricia. Nagtinginan muna ang tatlo bago tumango. Habang hila-hila nila iyon, nakakuha rin ng tyempo si Patricia para magtanong. "Ah.. pwede bang magtanong?" nahihiyang sambit ni Patricia. "Para saan itong lubid na dala ninyo?" "Hindi po ba kayo pinadalhan ng sulat kagabi?" tanong ng isang bata na nasa gitna. Kahit umaga ay pawis na pawis na ang mga ito. "Nakatanggap. Pero ang sabi lang kasi, humanap ng tali o lubid?" nag-aalangang tanong ni Patricia. "Siguro bago pa lang si ate dito," bulong ng isa na katabi ni Patricia na naghihila. "Ate, ngayon gaganapin ang ikatlong antas. Kapag ganito na pinaghahanda nila tayo, ibig sabihin mahirap ang kakaharapin nating pagsubok," wika ng nasa kanan. Tumango na lang si Patricia sabay sinamahan ang tatlo sa isang panibagong lugar. Ang ibang manlalaro ay nagsisimula nang mag-practica na umakyat sa mgs bubong. Kahit matatanda ay pinipilit na umakyat sa matatas na pader. Ang mga bata naman ay naglalambitin pa sa matatas na puno ng acacia. Nilapag na nila ang kanilang dalang lubid. Ang iba ay wala pa rin kamalay-malay kung ano ang kanilang gagawin, ngunit ang iba ay mukhang may alam na patungkol sa ikatlong antas. "Dito na lang po ate, maraming salamat!" wika ng batang lalaki sabay nginitian si Patricia. Dumiretso naman si Patricia sa isang gilid kung saan kitang-kita niya ang mga bata na sinusubukang umakyat sa mag pader o poste. Nakatingin lamang doon si Patricia hanggang sa hindi niya namamalayan na may tumabi na pala sa kanya. Pagtingin niya sa likuran ay isang dalaga ang katabi niya. Pagod na pagod ito at hinihabol pa ang hininga. "Ah..miss?" tanong ni Patricia kaya napatingin sa kanya ang babae. "Anong..ginagawa diyan?" Nahihiyang itinuro ni Patricia ang mga tao na nagpapakahirap sa pag akyat. "Iyan ba?" pag-uulit ng babae. Tumango naman si Patricia at umaasang may makukuhang matinong sagot sa babae. Hindi ko alam e." Umiling ang babae. "Basta pinapunta lang kami rito nung guwardiya at sinabi na mag ensayo raw kaming umakyat," sagot ng babae. Bigla namang nagtaka si Patricia. Kaya pala dito nagpunta ang mga manlalaro dahil dito sila dinala ng mga guwardiya. Biglang napabaling ang atensyon ni Patricia nang may marinig siyang malakas na halakhak. "Ang lampa mo, Ara!" sigaw ng isang lalaking may suot na itim na sumbrero habbang nakasuot ito ng lumang damit. Tinatawanan nito yung kaibigan na babaeng bumagsak sa sahig habang hawak ang puwetan. "Tumigil ka nga diyan, Makmak! Rinig na rinig ang nakakabwisit mong boses!" inis na sabi naman ng dalaga. Napaimpit naman ng tawa ang katabi ni Patricia kaya napasabay siya rito. Pagkatapos no'n ay parehong nagtawanan anng magkaibigan. Tinulungan siya nito at saka sila naghabulan. "Wala talagang kupas sa pang-aasar si Makmak," anas ng babaeng katabi ni Patricia. "Kilala mo?" tanong ni Patricia. Tumango naman ang babae. "Matagal ko na silang kilala. Naging kaibigan ko rin sila noong mga bata pa kami, kaso pinalayo ako ng tatay ko sa kanila. Kaya ngayon, nag-iisa na lang ako," paliwanag ng babae. Tumigil naman sa pagtakbo ang dalawang magkaibigan at napalingon sa direksyon nina Patricia. "Kumusta ka na, Deth?" tanong ng lalaking nagngangalang Makmak habang sumisilay ang ngiti sa mukha nito. Nag-aalangang sumagot ang katabinv babae ni Patricia. Tumingin muna ito sa kanyang ama na abala sa pag-akyat sa acacia. "Ah..ayos lang, ikaw b—"Hindi na muling nakapagsalita ang babae nang hilahin si Makmak ng kasamahan. Sinamaan pa siya ng tingin nito bago sila lumayo. Napayuko na lang ang dalaga at malungkot siyang tiningnan ni Patricia. "Deth pala ang pangalan mo?" tanong ni Patricia. Tumango naman ang dalaga. "Bernadette," tipid na sagot nito. "Ikaw?" "Ako nga pala si Patricia. Patricia Mendoza." Nakipagkamy naman si Patricia kay Bernadette. Makikipag-usap pa sana si Patricia sa dalaga dahil nakikita niyang malungkot pa rin ito hanggang ngayon, ngunit bigla nitong narinig ang boses ng ama. "Bumalik ka na rito!" sigaw ng kanyang ama na pawis na pawis. Naalala tuloy ni Patricia ang kanyang tatay. "Paalam!" sambit ni Bernadette bago tuluyang tumakbo papunta sa ama. Naiwan naman si Patricia na mag-isa. Pinagmamasdan ang mga tao na iba-iba ang ginagawa. Hindi niya alam kung ilang oras na ang sinayang niya sa pag-upo niya sa gilid, habang hirap na hirap ang mga tao na umaakyat sa kung ano-anong bagay. Naalala niya noon, dahil bata pa siya, natuto na si Patricia na umakyat sa mga puno para manguha ng bunga. Tuwang-tuwa pa ang kanyang ama noon dahil ang layo ng nararating ni Patricia. Hindi lang niya alam ngayon, dahi nasubukan lamang niya iyon noong pitong taong gulang lamang siya. E ngayon ay nasa beinte sais na siya at hindi maipagkakailang mabigat na ang katawan niya. Biglang nagising sa ulirat si Patricia nang muli na namang tumunog ang mikropono. "Huling isa at kalahating oras, para sa lahat ng manlalaro. Pinapaalalahanan lang po namin kayo na magsisimula ang ikatlong antas sa ganap na ala una ng hapon," paliwanag ng babae sa likuran ng mikropono. Natulala lamang si Patricia at paulit-ulit na naglalaro sa tainga niya ang sinabi ng babae. Pumasok din sa isipan niya kung anong itsura nang babaeng 'yon, dahil base sa boses nito na mukhang malambing, maganda rin ang babae. "Pinapaalala rin sa lahat ng manlalaro na hindi pa ito ang totoong palabas. Trial and Error lamang po ito sa lahat ng manlalaro. Ginigising namin ang inyong diwa, dahil hindi biro ang susunod na magaganap." "Hoy!" tawag ng isang boses sa likuran. Mabilis namang napalingon si Patricia doon. "P-po?" "Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka nag-eensayo?" galit na sabi ng isang guwardiya na nakapansin kay Patricia. "B—bakit po? Para saan po iyan?" natatakot na tanong ni Patricia. "Huwag ka nang magtanong! Basta tumayo ka riyan at sumali sa mga kasamahan mo!" wika ng guwardiya, sabay hinala ang damit ni Patricia kaya napilitan siyang tumayo. "Teka, teka.." bawal ng guwardiya nang simulan ni Patricia na maglakad. "Nasaan ang pinapadalang tali sa'yo?" tanong nito. Dahan-dahang nilabas ni Patricia ang taling nasa kannyanng bulsa kaya humagalpak sa tawa ang guwardiya. Napatingin na rin sa kanila ang iba pang manlalaro at parang nakagawa ng kahihiyang eksena si Patricia dahil doon. "Anong gagawin mo diyan?" natatawa pa ring sabi ni guwardiya. "Isabit mo na lang yan sa leeg mo at magbigti ka!" wika nito. Hindi na siya pinansin ni Patricia at naglakad papunta sa mga kasamahan. Hindi niya maiwasang pag-usapan at pagtawanan siya ng iba dahil sa ginawa ng guwardiya. Nakayuko na lang siyang lumapit sa puno ng acacia. Kapagkuwan ay umangat ang ulo niya at tumingin sa itaas ng puno. Nakita niya ang mga bata doon na nakatago sa bawat sanga. Sinimulan niyang unakyat sa simento at dire-diretsong umugong ang puno nang magsimula siyang umakyat. Namangha naman ang mga batang nakasaksi no'n at gulat na gulat sa pinakita ni Patricia. Nagpunta sa pinakatuktok si Patricia kung saan nakahanap siya ng pwesto upang makaupo ng maayos. Nagpahangin lang siya doon hanggang maubos ang oras. Naririnig pa niyang nagkukwentuhan ang mga bata tungkol sa gaganaping alro, ngunit pinagsawalang bahala na lang iyong ni Patricia. Iniisip niya na kung sana ay nandito pa rin si Marvin, hindi siya mapapahiya ng gano'n sa harapan ng mga tao. Kung sana ay may nakakapagsabi lang sa kanya ng gagawin ay hindi siya pagtatawanan. "Siguro kailangan ko nang matutong mag-isa." Bumuga ng malalim na paghinga si Patricia habang sinandal ang likuran sa makapal na sanga. "Huling treinta minutos," paalala muli ng babae kaya nagsimula nang bumaba ang apat na bata mula sa puno. Hinayaan lamang iyon ni Patricia. Nakaiglip pa ng ilang minuto si Patricia, bago tuluyang tumunog muli ang trumpeta. Hudyat na magsisimula na ang kanilang laro. Maagap na bumaba si Patricia sa puno habang isa rin siya sa naghihintay ng anunsyo. "Tapos na ang inyong pagsasanay. Magsisimula na ang ikatlong antas ng ating laro," wika ng babae. Lahat sila ay natipon-tipon na. Kinakabahan kung ano ang sunod na sasabihin ng babae. Kahit si Patricia ay hindi makapaghintay. Iniisip na lamang niya na ang kanyang gagawin ay para sa kaibigan niya na pinatay. "Sumunod ang lahat sa mga guwardiya." Nagsimula namang mag martsa ang mga guwardiya patungo sa likuran ng plaza. Wala pa ring ideya si Patricia kung ano ang gagawin nila, pero habang nakasunod ay hila-hila na ng iba ang kanilang dalang lubid. Si Patricia ay nakayuko naman habang hawak ng mahigpit ang maliit niyang tali. Nang makarating na sila doon, tumingin ang lahat sa limampung talampakan na makapal na pader. Kung susumahin ay mahirap ngang akyatin iyon dahil sa taas nito, kaya nagsimula nang kabahan ang lahat. "Ang ikatlong antas ay tatawaging Langit-Lupa. Ang bawat manlalaro ay kailangang makaakyat sa limampung talampakang pader na nasa harapan ninyo hanggang sumapit ang alas syete ng gabi. Kung mabigo man kayo sa inyong pag-akyat, naroon naman naghihinay sa baba ang mga Quadro at handa na nila kayong lapain. Maaari ninyong gamitin ang inyong kani-kaniyang mga dalang tali sa pag-akyat. Ngunit kailangan ninyong isipin kung paano ninyo ito maihahagis sa likurang pader. Sana ay naliwanagan kayo. Maaari na kayong magsimula," wika ng babae sabay namatay ang mikropono at nagsimula nang magkagulo ang mga tao. Si Patricia ay patuloy lamang na nakatulala sa pader at sa mga nag-iiyakang mga bata. Ang iba ay nagsisimula nang maglagay ng pabigat sa dulo ng kanilang lubig habang inuuna nilang iligtas ang kanilang mga anak. Pilit ding inuuna ang matatanda na makaakyat ngunit hindi na kaya ng mga ito. Ano kaya ang magagawang tulong ni Patricia sa mga batang nakikita niyang nahihirapan, kung kahit siya ay hindi niya alam kung paano siya makakaakyat doon, dala ang maliit na tali sa bulsa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD