PATANG-PATA si Rechel sa sobrang pagod na nakadapa pa sa kama. Ang taas ng stamina ni Zen kagabi. Parang hindi ito napapagod. Kinatakhan niya ang pagiging wild nito sa kama. Napangiti rin siya nang sumagi sa kanyang alala ang kagabi. "Lalaki ka na ba, Sixto?" usal niyang tanong sa isip habang nakatingin kay Zen na tulog sa kanyang tabi. Isiniksik niya ang sarili sa asawa at muling ipinikit ang kanyang mata na may ngiti sa labi. Nagising si Zen, mahigpit na hawak ang kumot na nakatakip sa hubad niyang katawan, at napahawak siya sa kanyang ulo. Hindi siya makapaniwalang may nangyari na naman sa kanila ni Rechel. Paano nangyari 'yon? Parang kailan lang ay naipangako niya sa sarili na hindi na mauulit pa ang mga namagitan sa kanila ni Rechel. Ayaw niyang muling magkamali. Pakiramdam niya, mi

