TUMAWAG si Rechel sa telepono ni Zen, ngunit ilang ring lang at walang sagot mula dito. Nakaramdam siya ng kaba sa kanyang dibdib. Ang 'di pagkakasagot ng asawa sa kanyang tawag ay nagdulot ng bigat sa kanyang puso. Nag aalala na baka may nangyari kay Zen o baka ito ay may ginagawang hindi niya alam na maaaring maging delikado. Ang paalam niya ay papunta lang sa farm pero isang buong araw na siyang wala, hindi tumawag, at hindi umuwi si Sixto. Saan kaya nagpunta 'yon? "Nakakainis na talaga. Gutom na ako sa sobrang paghihintay kay Zen na umuwi ng bahay. Kung tatawag ako sa mansyon, baka mag-panic sina Mama at si Dona Tere na wala pa ang asawa ko," nausal ni Rechel. Nagpasya na lang ako na hintayin si Zen na makauwi ng bahay. "RECHEL, I'm home," anunsyong tawag ni Zen. Nagmamadali nam

