TAHIMIK lang silang kumakain. Panaka-nakang nakasilip si Zen kay Rechel. Masama ang tingin niya sa kung paano ngiti-ngiti ang asawa niya habang panay ang bulong sa kanyang ina. "Pabulong-bulong, close na sila ni mama?" tanong ni Zen. At muling itinuon ang tingin sa kanyang plato. Nakuha agad ni Rechel ang loob ng kanyang Lola Teresita, maging ang ina ay wiling-wiling sa asawa niya. May magic siguro ang babaeng ito at napapaamo ang lahat ng nakakausap. Well, hindi mangyayari sa kanya na magawa nito ang potion para mapaamo rin siya. Malabong mangyari na ang puso niya'y titibok para sa asawa niya. Mayroon ng may-ari ito at hinihintay na lang niya na dumating sa bansa. Nang matapos silang kumain ay nakaupo na sila sa gazebo. Isang buong araw sa mansyon ang mag-asawang Rechel at Zen. "Ano

