NAALIMPUNGATAN si Rechel nang may malakas na kumatok sa pintuan ng kuwarto niya. Napamulat siya ng mata at napabangon. Naupo muna siya sa kama. "Rechel, maghanda ka na at aalis na tayo!" malakas na sigaw ni Zen sa labas. Pupungas-pungas pa si Rechel na bumangon mula sa kanyang kama. Dumiretso siya sa banyo para maligo. Nang maging kuntento si Rechel sa kanyang ayos ay kinuha niya ang lanyang maliit na bag, laman ay cellphone at wallet. At muling bumalik sa harap ng vanity mirror. Mayamaya ay muling narinig ni Rechel ang katok sa pintuan. "Rechel, are you done? Tatangghaliin na tayo. Mama call me a while ago. Hinihintay na nila tayo dahil doon tayo magbreakfast sa mansyon," sabi ni Zen habang kumakatok sa pintuan. Marahas siyang napabuga ng hangin. "Yes, I'm coming!" sigaw niya at

