"RECHEL, doon ka sa may dulong kuwarto. Hindi porket ibinili tayo ng bahay. Magtatabi na tayo ng room. No, no, no. We are just married in papers. Huwag mong kakalimutan," paalala ni Zen kay Rechel. Lumamlam ang mga mata ni Rechel. "We will not celebrate our wedding? Kahit uminom lang tayo ng wine." Napaismid si Zen. "The last time na nag-inom tayo, may nangyari sa atin. Ayoko! Baka gapangin mo ako ulit." Sa lahat naman ng ikinasal sila lang ata ang pagkatapos ng reception ay matutulog na lamang sa kani-kanilang kuwarto. Kailangan na makaisip ng paraan si Rechel na kahit paano ay hindi siya bokya. "Sige, mauna ka ng matulog. Magcecelebrate akong mag-isa." "Bahala ka. Check all the doors if locked before you go to sleep. Mahirap na baka tayo pasukin ng magnanakaw," bilin pa ni Zen at in

