MABILIS na naiplano ang kasal nina Zen at Rechel. Nag aalangan pa ang dalaga dahil sa bilis ng pangyayari pero masaya siya. Dahil sa wakas magiging asawa na niya si Zen. Ang lalaking pinapangarap lamang niya noon. Ngayon nga ay ikakasal na sa kanya. "Hija, nagpapasalamat kami ni mama sa pagdating mo sa buhay ng anak ko. Kilala mo si Zen, magkaklase kayo noon at magkaibigan. Kung sakali na mayroong ginawa sayong hindi maganda ang anak ko ay pagpasensiyahan mo na. Pilitin mong isalba ang pagsasama niyo bilang mag asawa. Malaki ang tiwala ko na magagawa mong maging lalaking muli si Zen," sinserong sabi Senia. Natatakot lang siya sa kahihitnan ng pagsasama ng dalawa. Dahil ang anak niyang may pusong babae ay hindi kayang pakisamahan bilang asawa ang isang babae. "Thank you po. Sa pagtanggap

