MABILIS na itinakda ang kasal nina Zen at Rechel. Kahit parang nagdadalawang isip si Rechel sa desisyon niyang iyon ay pilit niyang iwinaksi sa kanya ang takot sa susuuing bagong yugto sa buhay niya. Magkasamang pinuntahan nina Zen at Rechel ang simbahang pagdarausan ng kanyang pag iisang dibdib. Gusto ni Zen na personal na makita ang simbahan. Napagdesisyunan niyang sa pinakamatandang simbahan sa Paterno idadaos ang kanilang kasal. "Maganda. I want this place to be full of white roses. Ayoko ng may ibang kulay na mahahalo, puti lamang ang gusto ko. Maliwanag ba?" maawtoridad na sabi ni Zen sa kanilang wedding coordinator. Habang si Rechel ay sinusuyod ng tingin ang buong simbahan. "Maganda nga ang simbahang ito. Magaling talagang pumili si Zen," ang nasa loob loob ni Rechel. "Sir, bak

