UMAGA ng magising si Zen. Pupungas pungas pa siya ng kanyang mata. At nang imulat niya ang mga mata ay nagtaka siya sa kuwartong bumungad sa kanya. Pamilyar ang kuwarto pero iniisip pa niya kung saan niya nakita ito. Napatingin siya sa kanyang kabuuan na nasa ilalim ng kumot. Napasinghap siya ng mapansin na parang wala siyang suot na damit. Doon lang niya napansin ang kanyang katabi. “Ahh--!” malakas na sigaw ni Zen. Biglang napabalikwas ng bangon si Rechel. Naalimpungatan siya sa malakas na sigaw ni Zen. “Anong nangyari sa ‘yo, Zen? Bakit ka sumisigaw?” nag-aalalang mga tanong ng dalaga. “You?! Bakit ako andito sa kuwarto mo? At bakit kita katabi sa isang kama na walang saplot? Sabihin mo, aminin mo ang ginawa mo!” Hawak niya ang kumot na itinabing sa kanyang katawan. Napayuko ng ulo

