NASA library silang lahat. Ipinatawag sila ni Atty. Carlos, para pag-usapan ang nakalagay sa testamento ni Don Herardo.
Nakilala na rin ni Zen ang mga kapatid ng kanyang abuelo. Sina Lola Magda at Lolo Feliseo. Pati ang mag inang Isabelita at Iris ay andoon din.
Napatayo silang lahat nang dumating si Atty. Carlos. Ang abogado nina Don Herardo at Teresita Paterno.
"Good morning," nakangiting bati ni Atty. Carlos. Bumaling siya sa matanda ng babae. "Magandang umaga, Dona Teresita. Kumusta po kayo?" bati rin niya sa matandang donya.
"Mabuti naman, Carlos. Maupo ka na. Magsi-upo na rin kayong lahat," utos ni Teresita sa lahat.
Tumalima ang lahat at umupo sa kanya kanyang upuan.
Napabaling ng tingin si Atty. Carlos kay Zen. "You must be the grandson of Don Herardo Paterno?"
"Carlos, siya si Sixto ang aming nag iisang apo ni Herardo," pakilala ni Teresita sa apo.
Pinakatitigan ni Zen ang abogado. Sa tantiya niya ay kaedad lang ito ng mama niya, pero matikas pa rin ang katawan. At mukhang may ibubuga.
Napailing iling siya sa naiisip na kahalayan. Pati ang abogado ng kanyang abuela ay pinagnaasaan niya.
"Kalma ka, Zen. Ikalma mo ang puso mo," saway ng sariling utak ni Zen.
Inilahad ni Atty. Carlos ang kamay kay Sixto para nakipagkamay. Nanatiling nakatitig lang si Sixto sa palad na nakalahad sa kanyang harapan.
Bumalik lang sa ulirat si Zen nang malakas siyang siniko mama niya. Napaaray ito ng walang boses. Saka hinimas ang tagiliran niyang kinurot ng ina. Napasulyap siya sa ina.
Pinandilatan ni Senia si Sixto. Saka muling napabaling sa abogado ng pamilya.
"It's my pleasure to meet you, Atty. Carlos," pumalantik ang kanyang kamay nang abutin niya ang palad ng abogado.
"My pleasure is mine, Mr. Laurier."
Hindi nakaligtas iyon kay Senia. Umikot ang mata niya sa inakto ng anak.
"Sixto at Atty. Carlos, baka puwede na nating simulan?" agaw ng pansin ni Senia dahil sa nakita niyang ginawa ng anak.
Sabay na napabaling sina Zen at Carlos kay Dona Teresita.
Palihim na kinurot ni Senia ang anak sa hita. Mabilis naman na pinagpag ni Zen ang hita niya dahil sa sakit ng pagkakurot ng ina. Parang pati balahibo niya sa hita ay nahila nito.
"Umayos ka. Kung ayaw mong malaman nila ang totoo, Zen," bulong na banta ni Senia.
Napangiwi si Zen. At sumeryoso na ang mukha nang magsimulang magsalita si Atty. Carlos.
"Okay, let's start. Babasahin ko ang mga nakasulat sa Last Will and Testament ni Don Herardo Paterno." Binuksan ni Atty. Carlos ang kanyang attache case at kinuha ang mga dokumento sa loob. "I am Atty. Carlos, private lawyer of Don Herardo and Teresita Paterno. The late Don Herardo Paterno, asked me to write down everything he wanted on his Last Will and Testament. Pirmado niya ito at ng kaniyang asawang, si Dona Teresita. At ayon sa kagustuhan ng namayapang don. Gusto nilang ilipat sa pangalan ni Sixto Paterno Laurier. Ang lahat ng kanilang ari arian na mag asawa. Pati na ipinamang naipundar na yaman ng mga magulang ni Don Herardo. Si Sixto lamang ang nag-iisang tagapagmana ng mga Paterno. Dahil siya ang kaisa isang anak ni Senia Loiuse Paterno at Seigfred Laurier. Sa kanyang anak mapupunta ang mansyon at limampung milyon na mapupunta sa kanyang savings account."
Natigilan ang dalawang kapatid ni Don Herardo. Lahat ay mapupunta kay Sixto at kay Senia. Ang mag ina lamang ang makikinabang. At ni wala man lang ibinigay para sa kanila. Umasa silang may ibibigay pang mana sa kanila ang namayapang kapatid. Gumuho ang kanilang pag-asa na maambunan ng ektaryang lupain sa Paterno.
"Ano pa ang natirang iniwan ni kuya para sa amin ni Magda, Atty. Carlos?" sabat tanong ni Feliseo.
Lahat ay natuon ang tingin kay Feliseo.
"Mr, Feliseo, matagal na pong ibinigay ang parte ninyong magkapatid. Hindi rin kayo mga tunay na kapatid ni Don Herardo. At alam niyo ang totoong kuwento tungkol doon," diretsong sagot ni Carlos. Pinipigilang magalit sa harapan ng matandang Paterno.
Natahimik si Feliseo. Habang si Magda ay hindi na maipinta ang mukha.
"Bakit niyo pa kami ipanatawag dito? Wala naman pala kaming parte sa mana ni kuya," hinaing na tanong ni Magda.
"Dahil po itinuring kayong kapatid ni Don Herardo. Gusto niyang parte pa rin kayo ng pamilya niya. At para marinig niyo ang nilalaman ng nakasaad sa testamento."
Hindi na nakaimik si Magda. Si Zen ay palihim na para gustong tusukin ang mga mata ng lola niya.
"Imbyerna, buti nga isinama sila," mahinang saad ni Zen. Sila lang mag ina ang nakakarinig ng sinabi niya.
"As I say, ang nakasaad sa Last Will and Testament ni Don Herardo ay dapat magawa ni Sixto sa loob lamang ng tatlong taon. At kung hindi niya magagawa. Ang lahat ng ari arian, pera sa bangko, sasakyan, at factory ay mapupunta sa charity. Iyon ang nakasaad dito sa dokumentong hawak ko. Saksi si Dona Teresita, pirmado ni Don Herardo Paterno at Dona Teresita Paterno. Any question?"
Nagtaas ng kamay si Manang Isabelita.
"Go ahead po."
"Bakit po kami nakasama ng anak ko? Hindi naman po kami parte ng pamilya," tanong ni manang. Nagkatinginan pa silang mag ina. Maging sila ay nagtataka, bakit sila nakasama sa meeting? Kung para lamang iyon sa pamilya Paterno.
"Babasahin ko po ang susunod na pahina sa testamento ni Don Herardo. Ito ay para sa aking pinakamatagal nang mayordoma ng mansyon. Ibinibigay ko sa kaniya ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay. Maging ang lumang bahay. Pati na ang singkwenta mil para sa kaniyang pamilya. Maraming salamat sa iyong tapat na paninilbihan sa amin ng aking asawa at anak," mahabang basa ni Carlos.
Malawak na ngumiti sina Isabelita at Iris sa bawat isa. Sobrang tuwa nila na ang lupa at maging ang bahay na pag-aari ng mga Paterno. Ibinigay na sa kanila.
"Maraming salamat po, Dona Teresita," masayang pasasalamat ni manang. Tumango lamang ang matanda kay Isabelita.
"Ito ang titulo ng lupa't bahay, manang. Nasa pangalan niyo na po," inaabot ni Carlos ang title ng lupa kay manang. Tinanggap iyon ni Manang Sabel na masaya.
"Maraming salamat po," hinalikan pa nito ang titulo at tumingala sa itaas.
Napangiti si Dona Teresita.
"Maliwanag na po ba ang lahat ng nakasaad sa Last Will and Testament ni Don Herardo? Kung mayroon pa po kayong mga tanong ay pumunta lamang sa aking opisina.," tanong ni Atty. Carlos. At nang walang nagsalita ay nagpaalam ito sa kanilang lahat. Pati na kay Dona Teresita.
Hindi pa rin mangiti ang magkapatid na Magda at Feliseo. Tumayo na sila at walang paalam na umalis sa library. Sumunod na lumabas ang mag inang Isabelita at Iris. Ang ganda ng mga ngiti sa labi.
Naiwan ang mag inang Zen at Senia, kasama si Dona Teresita.
"Huwag mo na lang silang pansinin. Ganyan talaga sila. Pero mababait ang mga 'yan," mahinang bulong ni Teresita sa apo.
Napaismid si Zen. Hindi siya makapaniwalang mababait ang mga kapatid ng abuelo. Nakita naman niya ang ginawa ng mga ito kanina. Pati na ang pagkuwestiyon sa mana.
"Lola, parang hindi po sila masaya sa nakuha nilang mana mula kay lolo?"
"Hindi sila iba kay Herardo. Dahil sa kapatid ang turing ng lolo mo sa kanila. Kaya binigyan sila ng parte. Gusto niya ay mabigyan lahat. Kapatid pa rin niya sila Feliseo at Magda sa papel. Kaya igalang mo pa rin sila, Sixto," tugon ni Dona Teresita.
"Whatever my lola say, paniniwalaan ko. Basta 'wag lang nilang guguluhin kayo. Ako po ang makakalaban nila," matapang na babala ni Zen.
Siya ang magiging tagapagtanggol ng lola niya. Sa lahat ng mga taong may masamang balak dito. Kung may masamang mangyari sa abuela ay masasaktan ang kanyang ina. Kaya hindi niya pahihintulan na mangyari iyon.
Iiling iling ng ulo si Teresita. Saka napatawa ng mahina. "Apo, sa dami ng security guard at bantay sa bahay. Wala na silang pagkakataon na masaktan tayo."
Huwag silang magpakampante. Dahil ang mga may masasamang budhi ay gagawin ang lahat para sa pera. Kahit pa makasakit sila ng kapwa.
"Wala po akong tiwala sa kanila. Parang hindi po sila gagawa ng maganda," sa mga mukha na lang nila diskumpiyado na siya.
Ang layo ng ugali sa nasirang Don Herardo, ang lolo niya. Hindi na siya magtataka. Dahil ayon sa lola niya ay hindi sila tunay na mga kapatid ng lolo niya.
"Gusto kong marinig ang opinyon mo, Sixto. Tutuparin mo ba ang nakalagay sa last will and testament ng lolo mo? Malaki ang tiwala ko sa 'yo. Bago man lang ako kunin sa mundong ito. Makita ko ang apo ko sa tuhod. Masaya kong ibabalita sa lolo mong, natupad ang pangarap namin. Ang gusto niya noong nabubuhay pa siya.," litanya ng lola ni Zen.
"Mama, gagawin po iyan ng anak ko. Para inyo po at para kay papa. Di ba, Sixto?" tanong naman ni Senia sa anak.
Tila nasamid si Zen sa tinuram ng ina.
"Gagawin ko po. Makakatanggi pa po ba ako? Pero sana medyo mahaba pa ang palugit. Hindi ko alam kung sino sa mga girlfriends ko ang puwede kong pakasalan," may pagkamayabang na sagot ni Zen.
Malawak na ngumiti si Dona Teresita. Habang si Senia ay tila alanganin na magagawa nga ng anak niya. Ang nakasaad sa Last Will and Testament ng ama.
PALAKAD LAKAD si Zen sa loob ng kuwarto niya. Malalim na iniisip ang gagawin. Saan siya kukuha ng babaeng papayag pakasalan ang isang beki o bakla na katulad niya? Kahit bayaran na lamang niya. Malaki naman ang makukuha niyang mana mula sa kanyang mga abuelo at abuela. Basta kayang isekreto sa lahat ang tunay niyang pagkatao.
Napahinto siya nang magring ang kanyang phone. Binasa ang pangalan na nakaregister.
"Rechel?"