CHIVAS REGAL straight from the bottle, iyon ang iniinom ni Lester habang nakasandal siya sa head board ng kama. He was naked, pang-ibabang bahagi lang ng katawan niya ang natatakpan ng kumot. Naroon sila sa isang five star hotel sa Bicutan, doon nila itinuloy ni Charina ang naudlot na pagniniig ng nakaraang araw.
“Up for round four?” malanding hinaplos ng hubad na si Charina ang kanyang pisngi.
“Tulog na si junior, ayaw nang tumayo,” wala sa mood niyang sabi saka tumungga ng whiskey.
Maikling tumawa si Charina. She slid her hand under the blanket, gumapang iyon sa kanyang tiyan at pababa, ngunit nang mahulaan niya ang gagawin nito ay dinakma niya ang kamay nito at pinatigil. “Charina, we’ve had enough. Pwede bang magpahinga muna tayo?”
“Pahinga pero umiinom ka,” ungot nito at lumabi.
Bumuga ng hangin si Lester at umayos sa pagkakaupo. Inilapag nito ang whiskey sa bedside table.
“Tell me, may problema ka ba?” ani Charina na niyakap siya gamit ang isang braso.
“Wala naman, I’m just thinking of something…” aniyang ipinako ang tingin sa nakabukas na TV, Dora ang palabas.
Something or someone? at sumiksik ang atribida niyang isipan.
Yes, probably he’s thinking of someone… at iyon ang walang hiyang boyfriend ni Mia! For God’s sake, his little sister has a boyfriend! Kung hindi siya nagkakamali ay ‘Charl’ ang pangalan ng lalaking iyon. At ang hindi niya mapaniwalaan ay dinala pa ni Mia ito sa kanilang bahay— in her bedroom specifically, kaya kumulo ang kanyang dugo. Napakatigas talaga ng ulo ng kapatid niya kaya naiinis siya! Kaya lang… mas naiinis siya sa sarili niya. Bakit hindi niya sinuntok ang lalaking iyon? Bakit hindi niya binugbog ito nang makita nito ang hinahanap? Bagkus ay hinayaan niya pang tumakbo ito kasama ang kanyang kapatid. Wala siyang magawa ng insidenteng iyon kundi ang maupo sa dulo ng kama ni Mia at ipunin ang nagsiliparan niyang iniisip. There’s something about Charl’s eyes na hindi niya matumbok kung ano iyon. Sigurado naman siyang iyon ang unang pagkakataon nilang magkita, pero hindi niya man ito nasuntok ay ‘wag itong pakasigurong hindi ito makakatikim sa kanya ng upak lalo na kung si Mia ang pag-uusapan. His poor little sister, naiimpluwensyahan na talaga ito ng walang kwentang ama. Kaya ano ba ang gagawin niya? Hindi naman ito nadadala sa usapang paspasan.
“Alam mo, Charina, naisip ko na parang hindi ko na kayang kontrolin ang kapatid ko. Ako okay lang na maging pilyo, pero siya? She’s so innocent!” muling naguluhan si Lester.
“Kapag inosente, nasa loob niyan ang kulo. Gulat nga ako nang makita ko silang tumatakbo palabas ng kwarto ni Mia. Unang tingin ko pa lang, alam ko na ang pinagagawa nila,” parang kontrabidang sabi ni Charina.
“Ano?” Kunot-noong tumingin si Lester sa mukha ng girlfriend.
“Kung hindi mo sila naabutan, magro-role play sila.” Kibit-balikat na sabi nito. “You know, s*x role play.”
“f**k!” hindi sinasadyang matabig ni Lester ang braso ni Charina dahilan ng pagkagulat nito. Kamuntik na siyang mapatayo. Bigla nalang uminit ang kanyang mukha, tila bigla ring kumulo ang kanyang dugo. “Baka hindi naman siguro!” aniyang pinakakalma ang sarili.
“Come to think of it. Ano bang pagagamitan nila ng costume na iyon? Nakapamprinsesa at pamprinsipe. Kung hindi s*x role play, ano?”
“Pero sabi ni Mia, galing sila sa isang event, baka totoo naman?” hoping niyang tingin sa girlfriend.
Tumawa ng maikli si Charina at umiling-iling. “Lester, you said that you’ve been there before with your past girlfriends. Syempre kapag gagawa ang kapatid mo ng kalokohan, gagawa rin ‘yan ng paraan para malusutan just in case na mahuli mo. Ano ka ba? Lolokohin mo ba ang sarili mo sa mga nakita mo?”
“My God.” Napahilamos siya ng mukha. Gusto niyang umiyak at ayaw niya sanang paniwalaan si Charina ngunit ilang beses na siyang niloko at pinagsinungalingan ng kanyang kapatid. He didn’t know what to do anymore. Wala na ang kanyang mommy. May mga kamag-anak sila pero nasa malalayong lugar at hindi niya naman ka-close. May mga kaibigan siya sa school na kanyang pinagtatrabahuhan pero hindi niya ma-open kasi hindi siya sanay magkwento. His best friend, Tidus, was long gone. Si Alex naman na best friend niya rin na nasa Canada ay hindi niya masabihan ng problema dahil hindi sapat kung sa f*******: messenger lang sila mag-uusap. Ang mayroon lang siya ay si Charina—his girlfriend for four months. Sa mga panahong wala siyang matakbuhan ay ang babae lang ang katulong niyang umiwas sa riyalidad ng mundo.
“Charina, what should I do?” he helplessly stares at his lovely girlfriend.
Mula sa likod ay niyakap siya ni Charina. Her soft breasts pressed against his bareback. “Higpitan mo lalo. Kung ako sa’yo, ‘wag mong bibigyan ng allowance. After all, graduated naman siya, dapat matuto na siyang magtrabaho.”
“Wala siyang alam na trabaho. prinsesa ‘yun eh.” Umiwas siya ng tingin dito. “Ang alam lang ‘nun mag-cosplay at mag model-model.”
“Kumbinsihin mo siyang maghanap na ng trabaho dahil nasa edad na siya. Teach her to be matured dahil hindi sapat ang pa freelance-freelance lang sa buhay. She needs a stable job. Hindi habang-buhay nariyan ka para sa kanya. Ngayon pang mag-aasawa ka na? Huwag mong sabihing kapag ikinasal na tayo at magkakaanak, eh, ikaw pa ang bubuhay sa kanya?”
Saglit na natigilan si Lester at tumingin kay Charina. He bit his lower lip, naguguluhan siya. “Pero, kapatid ko pa rin siya. Siya ang iniwan sa’kin ni Mommy. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag hindi siya titira sa iisang bubong kasama ako.”
Bumuntong-hininga si Charina at inilayo ang katawan sa kanya. “Hindi ko naman sinabing pababayaan mo siya. Ang sa akin lang naman, teach her more lessons. Pustahan, titiklop iyon sa’yo. Susunod siya sa lahat mong sasabihin.”
Bumuga ng hangin si Lester at ipinako ang tingin sa isang sulok ng kwarto. Lagi niya nang napapagalitan si Mia, baka kung ano pa ang gawin nito kapag mas lalo niyang hinigpitan. Pero kung iyon ang paraan para tumino ito ay gagawin niya. Kaya lang tingin niya ay mukhang nagrerebelde na si Mia sa kanya, kung noon hinihigpitan niya ito, baka lalo pang umalpas ngayon! He loves his little sister dearly, ano kaya kung huwag na niyang idaan sa paspasan? Baka makinig naman sa kanya.
Ay ewan niya.
NAGPUPUNAS si Charlyn ng kanyang hanggang balikat na buhok gamit ang twalya at nakasuot ng bathrobe habang nakatingin sa half-size mirror ng kanyang kwarto. Matagal niyang tinitigan ang mukha sa salamin. Mukha naman siyang babae, pero kailangan niyang tanggapin sa sarili na kapag naayusan siya bilang isang lalaki ay mukha talaga siyang lalaki. Pagdating sa kanyang sarili ay very realistic siya kaya alam niyang hindi naman siya pangit, sadyang iyon na siguro ang talent niya noon pa man.
At some point of her life during high school, habang naghaharutan sila sa corridor ng kanyang mga classmates ay natabig nila ang de-tiklop na hagdan na napapatungan ng green na pintura, sa kasamaang palad ay naparami ang buhos sa kanya, buong ulo niya as in. Ang hirap tanggalin, the struggle is real kahit ba ilang medya na ng mantika at bote ng acetone ang ipinaligo niya. Pagkatapos ng dose oras ay naremedyohan naman pero hindi ganoon ka-succesful dahil nairita ang kanyang anit at mukha, ang ending ay nagpa-siete siya ng kanyang buhok. Akala niya ay pagtatawanan siya ng mga kaklase niya at tatawaging tomboy, pero ang natotomboy yata sa kanya ay ang ilang kaklase niyang babae. At dahil kasali siya sa CAT noon, ang akala niya ay ang corps commander nilang sikat sa eskwelahan ang pinagtitilian ng ilan nilang schoolmates nang minsan silang nag-parade na suot ang kanilang uniform. Pero dahil hindi naman siya manhid, na-gets niya iyon agad. Bigla siyang naging instant crush ng mga kababaihan sa campus.
Napatigil sa paglipad ang isip ni Charlyn nang tumunog ang kanyang cellphone na nakacharge. Nilapitan niya iyon, si Mia ang nag-text. Walang katapusan ang pasalamat sa kanya ni Mia dahil pumayag na siya sa request nito— na magpanggap siya bilang boyfriend nito in her remaining days in the country habang hindi pa siya pumupunta sa Spain. Ang magpanggap na boyfriend ni Mia ang pinaka-weird at nakakatawang gagawin ni Charlyn sa kanyang buhay, pero seryoso ang kanyang kaibigan, at sino ba naman siya para tanggihan ito lalo na’t iyon na raw ang huli nitong request? She left her no choice because she is her best friend kaya um-oo na lamang siya. Iyon nga lang sana ay huwag silang mabuko.
Inilapag ni Charlyn ang cellphone sa bedside table saka tumingin sa picture frame na naroon. Picture niya iyon na nakasuot ng black toga at yakap-yakap niya ang kanyang ina, bakas sa mukha nila ang kasiyahan. Napangiti siya ng tipid, dalawang buwan na lamang ay makakasama na niya ito sa Spain for good. Kinder two pa lamang si Charlyn nang mamatay ang banker niyang ama dahil sa mass shooting na naganap sa Makati noon. Nakatira sila sa isang condo sa Quezon City na siyang tanging naiwan ng kanyang ama para sa kanila ng kanyang ina, at ang kanyang mama ang nagtaguyod sa kanya simula elementary hanggang makapagtapos siya ng kolehiyo. Her mother worked as a cook, at dahil sa experience nito ay natanggap ito bilang Chef sa isang restaurant sa Madrid dalawang taon na ang nakakalipas at dahil naroon din ang boyfriend nitong Espanyol. Charlyn let her mom go dahil ayaw pa sana nitong umalis dahil kinokonsidera nito ang kanyang damdamin, but she considered the feelings of her mom, too. Nagmahal itong muli at gustong makapiling ang kasintahan kaya inudyukan niya na itong umalis dahil mabait naman din ang boyfriend nitong manager sa parehong fine dining restaurant na pinagtatrabahuhan. At para magbago naman ang mundong ginagalawan ni Charlyn dahil eversince ay nasa Quezon City na siya ay nagdesisyon din siyang sumunod sa kanyang ina at magtrabaho sa tinatrabahuhan nito bilang Chef cook rin at para makasama niya na rin ito. Siguradong pasok na siya doon dahil inerekomenda siya ng kanyang mama at future step-father sa restaurant owner kung saan nagtatrabaho ang mga ito. To be fair ay kailangan niya lang ng experience dahil iyon ang required.
“Ma, magkikita na rin tayo soon.” Dinampot niya ang picture frame at tinitigan iyon. “Gagawin ko lamang makabuluhan ang natitirang araw ko dito sa Pilipinas. Tutulungan ko lang si Mia sa problema niya, at sisiguraduhin kong bago ako umalis ay magkakaayos sila ng kuya niya,” matatag na loob na sabi niya.
Sana nga ay magtagumpay sila ni Mia sa kanilang gagawin, at siya naman ay sana huwag magmukhang engot kapag magpapanggap siyang bilang lalaki sa harap ni Lester!