Chapter One - The Special Request
“Kuya Prince, bakla po ba kayo? Mukha kayong lalaki, pero mukha rin po kayong babae.”
“Ang gwapo mo po. Mukha po talaga kayong prinsipe. Bagay po kayo ni Ate Mia!”
“Ang giting niyo po. Lalo na po ng sinaksak nyo ng espada iyong bruha. Gagayahin ko po kayo paglaki ko! Magiging matapang din akong lalaki! Mananaksak din ako ng bruha po!”
Hindi alam ni Charlyn kung mao-offend o mapa-flattered ba siya sa mga komento sa kanya ng mga bata ng Sunny Bright Orphanage. Gumanap siya bilang prinsipe ni Snow White, supposedly ay hindi naman siya dapat ang gaganap na prince sa stage play na in-organized ni Mia at ng iba pang volunteer ng SBO, ang dapat ay magdo-donate lang siya ng spaghetti at fried chicken, maging audience at hayaan ang mga aktor na entertain-in sila. Pero dahil biglang nagkatrangkaso ang gaganap na prinsipe na si Jason—isang SBO volunteer din— ay wala ‘raw’ ibang pwedeng pumalit dito kundi siya, iyon ang sabi ni Mia. Mabuti na lang at payat si Jason at nagkasya naman ang costume nito sa kanya. Perfect.
Pagkatapos ng stage play, karamihan sa mga bata ay dinumog at pinuri si Charlyn. Kung gaano siya kaastig, kagwapo at kagiting na prinsipe. Pati nga ang mga babaeng staff ng SBO ay kinilig sa kanyang appearance.
Pambihira, lalaking character! Hello? Mukha ba talaga siyang lalaki?!
“Lyn, ang gwapo mo talaga! Sana sa alternative universe lalaki ka na lang para maging boyfriend na kita! O kaya sa totoong buhay ako na lang si Snow White at ikaw ang prinsipe,” nakangiting sabi ni Mia matapos ang napakaraming beses nitong pagkuha ng selfie sa kanila. Tapos na ang Christmas party at naroon sila sa CR ng SBO. Nakatitig siya sa salamin na para bang inutangan ng ilang beses tapos hindi na kailanman nabayaran.
Tumingin si Charlyn sa kanyang kaibigan. “Mia, huwag mo ngang sabihin ‘yan! Kinikilabutan ako sa’yo, eh!” sabi niya pa.
“Ang harsh mo naman! Ang gwapo mo kaya talaga, hindi ka ba napa-proud? Saka, ang ibig kong sabihin na gwapo ay kapag nakaporma ka lang ng panlalaki. Pero pag nakaporma kang pambabae, you are very beautiful, and you can do both! Para kang si Mulan!” ani Mia na lumawak pa ang ngiti. Um-abre-siete ito sa kanya at muling kumuha ng larawan nila mula sa salamin gamit ang smartphone.
Napailing si Charlyn at pinakatitigan ang sarili at ang katabi doon. Mukha nga talagang si Snow White si Mia dahil sa puti at ganda nito. Siya naman ay… well, mukha ngang prinsipeng stressed.
"Ang gwapo nya, ano? Girl ba talaga siya?"
"Oo, babae siya. Sana nga lalaki na lang talaga siya! Ahihihi!"
Napalingon si Charlyn sa ilang kumpulan ng babaeng volunteer ng SBO na kapapasok lang sa CR, nakangiti ang mga ito at tila kinikilig. Nais sana niyang tarayan ang mga ito pero siya pa ba ang magagalit, eh, siya na nga itong pinupuri? Nginitian niya na lang mga babae saka napailing at tumingin kay Mia. “Ang mabuti pa, Mia, magbihis na tayo. Kinakati na ako dito,” sabi niya sabay kamot sa braso.
“Sandali!” Pinigilan siya nito nang akmang pupunta na siya sa cubicle. “Sa bahay ka na magbihis, ipo-photo shoot pa kita doon.”
“Ha? Hindi ka pa nasiyahan sa mga pictures kanina?” napatanga siya, “Sasabog na ang memory card mo nyan!”
“Sige na, you’re going to Spain naman two months from now. Hindi mo ba ako pagbibigyan?” Ngumuso si Mia na parang bata.
Napakamot naman si Charlyn sa wig na suot. “Sige na nga! Nagpapaawa ka na naman, eh!” aniyang kinuha ang malaking backpack na nakapatong sa tiles na lababo, binitbit niya rin ang espada na pina-customize ni Mia. Nag-taxi sila papunta sa bahay ni Mia sa isang prestihiyosong subdivision sa Bicutan, Paranaque. Kahit nga si manong driver ay nagpa-picture sa kanila na hindi naman nila natanggihan.
Charlyn Cardenaz and Mia Medina are both twenty three years old and best of friends. Nakilala ni Charlyn si Mia three years ago nang nagkasama sila sa OJT bilang isang receptionist sa isang TV station. HRM student siya at si Mia ay Mass communication student. Magkaiba sila ng eskwelahan, ngunit madaling magkapalagayan ang kanilang loob dahil pareho silang may pusong mamon pagdating sa mga ulilang bata.
Before they knew well each other, they were already an active volunteer of Sunny Bright Orphanage nang hindi nila nalalaman. Hindi sila madalas magkita doon dahil si Charlyn ay kadalasan wala ang presence niya dahil sa trabaho ngunit isa siya sa mga active donors katulad na lang ng pagbibigay ng mga notebook at lapis. Si Mia naman ay bukod sa pag-donate, laging naroon ang presence nito sa SBO, bukod kasi sa mahilig si Mia sa mga bata, dito nito ibinabalin ang atensyon upang kahit papaano ay malimutan ang matinding lungkot na nararamdaman. At iyon din ang dahilan kung bakit napapayag siya nito na maging prinsipe kahit na mukha siyang tangang nakasakay sa karton na kabayo.
Noong elementary days ay talong at itlog lang ang naaalala niyang ginanapan sa nutrition day. Noong high school ay gumanap siyang background na puno at taga-taas ng kurtina ng entablado. Pero ni sa hinagap hindi niya naisip na gaganap siyang prinsipe na on-the-spot ang script.
“Lyn, salamat talaga ng marami sa’yo, ah. You saved our day. You’ve made the kids happy,” sinserong sabi ni Mia sa kanya. Pareho silang nakaupo sa kama ng kwarto nitong puno ng pink ang kagamitan. Tapos na silang mag-photo shoot ngunit hindi pa nagbibihis.
“Ano ka ba wala ‘yun, no? Gusto ko kapag umalis ako, napangiti ko ang kaibigan ko,” tipid niyang ngiti. “Isa pa, para din iyon sa mga bata. Nag-enjoy naman akong maging prinsipe kahit mukhang sablay iyong mga ad lib ko. Biruin mo, hindi nila ako nakilala bilang si Charlyn! Ang ganda ng make-over mo sa’kin.”
Napuno ng babaeng halakhakan ang kwarto Mia, ngunit mayamaya ay napansin niyang nawala ang ngiti sa mga labi nito. Nayuko ito.
“Uy, ano’ng mukha iyan?” Kunot-noo niyang tanong.
Tumingin si Mia sa kanya at tipid na ngumiti, ngunit may lungkot sa mga mata. “Ako rin sobrang nag-enjoy. Pero kapag umalis ka, malulungkot ako. Hindi kita pinipigilan sa pagpunta mo ng Spain dahil future mo ang nakasalalay doon. Kaya lang wala na akong masasabihan ng mga probema ko,” lumabi ito.
Papalit-palit ng tingin si Charlyn sa mata ng kaibigan. At alam niya ang rason kung bakit malungkot ang buhay nito sa kabila ng masiglang personalidad. Six months ago, nag-suicide ang mommy ni Mia dahil iniwan ng daddy nito. Alam niyang sobrang sakit niyon para kay Mia, pero mas lalong nasaktan si Mia nang maging aloof at walang pakialam na dito ang trenta y uno anyos na beloved half-brother nitong si Lester. Super close ang dalawang magkapatid, pero nang mamatay ang ina ng dalawa ay nag-iba ang pakikitungo ni Lester kay Mia. Sinisisi ng lalaki si Mia dahil ang ama ng babae ang nang-iwan sa ina ng mga ito kahit na wala namang may gusto niyon, siguro ay dahil ay kadugo ni Mia ang lalaking nanakit sa ina ng dalawa.
“Naku! Ang impakto mong kuya na naman ang dahilan? Hindi ko maintindihan kung bakit dinadamay ka niya sa kasalanan ng ama mo. Ano ba siya, immature?”
“Pero hindi lang iyon, Lyn! Mas magiging miserable ang buhay ko dahil may balak magpakasal si Kuya Lester kay Charina. Dito na sa bahay titira ang matandang babaeng iyon!” ani Mia na tuluyan nang humagulhol, tinakpan nito ng mga palad ang mga mata.
“What?!” bulalas ni Charlyn. Yeah, she also knew Charina. Naikwento sa kanya ni Mia na ito ang girlfriend ng kuya nito. Charina was a forty year-old beautiful woman na masyadong insecure sa ganda ni Mia kung kaya’t lagi nitong sinisiraan ang kaibigan niya kay Lester. Feeling niya ay ito ang wicked step-mother ni Mia, at si Mia naman ay si Snow White. Ang buang na si Lester naman ay naniniwala sa babae, bukod pa doon, mukhang pera si Charina dahil mayaman sina Lester. Hindi niya pa name-meet ang lalaki pero ayon sa kanyang pagkakaalam ay sports director ito ng PE club ng isang mataas na paaralan doon sa Pananaque at may-ari ng isang sikat na gym na may apat na branch sa Metro-Manila. Idagdag pa na may ipinamana ang ina nitong malawak na lupain sa Bulacan na parang hotcake lang kung maibenta.
“Tahan na, Mia. ‘Wag ka nang umiyak.” Inalo ni Charlyn ang kaibigan.
“Paanong hindi ako iiyak? Magiging miserable na ang buhay ko. Kapag nagpakasal siya sa babaeng iyo, lalayas ako dito. I can take care of myself!”
“Huwag mong sukuan ang kuya mo, kayo na lang dalawa sa buhay kaya dapat kayo ang nagdadamayan. Gusto mo bang kausapin ko siya?”
“No, Lyn. Hindi rin siya makikinig,” bahagya itong lumayo sa kanya at suminga sa panyong hawak.
“Bago ako umalis, gusto kong maging maayos ang kalagayan mo. Mababagabag ako sa Madrid kung iiwan kita dito na may problema ka,” Tinapik niya ito sa balikat at marahang pinisil iyon. “Mga dalawang buwan pa naman ako dito, at sa mga buwan na iyon ay tutulungan kitang magkaayos kayo ng kuya mo.”
“T-talaga? Gagawin mo iyon para sa’kin? Pero papaano?”
“Basta! Iisip tayo ng paraan,” tipid siyang ngumiti. Ngayon pa lamang ang nag-iisip na siya kung ano ang magandang paraan. Maybe she will talk to Mia’s brother, best friend siya ni Mia at pakiramdam niya ay responsibilidad niyang tulungan ito dahil wala namang ibang gagawa.
“Thank you, Lyn!” muli siyang niyakap ng kaibigan na ngayon ay muling nakangiti. “The best ka talaga!”
“You’re welcome.” Kumalas siya dito at nilawakan ang ngiti. “Siya nga pala, pagamit ng CR mo.”
“Barado ang CR ko dito sa kwarto. Pero pwede mong gamitin iyong CR sa dulo ng hallway sa kaliwa.”
Tumayo si Charlyn. “Okay,” aniya pagkatapos ay lumabas ng kwarto ni Mia. Dahil naroon sila sa second floor ng bahay ni Mia, may veranda sa harap ni Charlyn. Lumiko siya sa kaliwa upang tunguhin ang CR, ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya nang tumigil at may makita siya sa gitna ng hagdan. Agad-agad nalaglag ang panga ni Charlyn sa nakita. There was a half-naked man wearing only boxer’s shorts in the stairs and so a woman wearing only bra and panties! At hindi lang iyon, nakayapos ang lalaki sa baywang ng babae habang ang huli naman ay pinalalakbay ang kamay sa iba’t ibang parte ng katawan ng kaharutan habang marubdob na naghahalikan!
Kumurap-kurap si Charlyn para siguraduhing hindi siya namamaligno. Ngunit tama ang kanyang nakikita, the two were close to making out! Ang lalaki ang tinitigan niyang mabuti, at sa pagtitig niyang iyon ay napalunok siya. That man was Lester, hindi siya pwedeng magkamali dahil nakita niya na ang picture nito sa smartphone ni Mia. Infairness, ang galing humalik!
Napailing si Charlyn nang marining na bahagyang tumili ang babaeng karomansahan nito. “Pambihira, sa hagdan talaga? Kailangan ko nang umalis dito!” sabi niya sa sarili bago dali-daling bumalik sa kwarto ni Mia, at pagkapasok niya, hindi niya sinasadyang maibagsak ang pinto niyon. Pero lingid sa kaalaman niya, nakita siya ni Lester!
“Oh, ang bilis mo naman yata sa CR,” sabi ni Mia na nadatnan niyang ibinababa ang zipper sa likod ng gown nitong suot.
“Ah, ano kasi,” aniyang napangiwi at napakamot sa batok. Sasabihin niya ba dito ang nakita? Ano’ng sasabihin niya? ‘Hey, Mia. ‘Yung kuya mo, makikipag-s*x ata sa hagdan?’
“Ahm, wait a second. Pwede mo ba akong tulungan? Ouch! Na-stock ang zipper ko sa likod, pakibaba naman.”
Napailing si Charlyn bago lumapit sa kaibigan upang tulungan ito sa zipper. But her mind was on Lester, and to that beautiful woman that was probably Charina. “N-nakita ko ang kuya mo.”
“Si Kuya Lester? Really? Nakita ka niya?”
“Si Charina yata ‘yung—” hindi na niya naituloy ng sasabihin dahil may biglang bumukas ng pinto na kapwa nila ikinagulat. Kapwa sila napalingon doon ni Mia, napanganga siya nang makitang si Lester iyon!
“Mia,” tumingin ang lalaki kay Mia, at nang bumalin sa kanya nito ang tingin ay nag-iba ang ekspresyon nito. The man opened his mouth and stares at her in disbelief! “What the hell! Sino ka?!” walang pasabing sumugod ito sa gawi nila!
Agad namang napaatras si Charlyn at si Mia naman ay hindi alam kung ano ang nangyayari, ngunit nang mapansin nitong tila may gagawing masama kay Charlyn si Lester ay humarang ito sa pagitan nila.
“Sinasabi ko na nga ba may lalaking pumasok sa kwarto mo. Mia! Sino ang hayup na iyan?” paasik na sabi ni Lester sabay ang turo sa kanya.
Hayup? Siya? Nanlaki ang mga mata ni Charlyn, nakita pala siya nito! And what the hell! Napagkamalan siya nitong isang lalaki! “T-teka lang—"
“Kuya, I can explain—”
“Tabi, Mia!” ani Lester na bahagyang itinulak si Mia sa kama dahilan kung bakit nagkaroon ito ng access na hablutin ang kwelyo niya! “Ano’ng ginagawa mo sa kapatid ko? I-score-ran mo siya sa sarili kong pamamahay?!”
“I-score-ran?!” bulalas niya. Nagkakamali ng akala ang mokong na ito! Napagkamalan rin yatang hinuhubaran niya si Mia samantalang tinutulungan niya lang ang kaibigan niya sa naipit na zipper! Bahagyang itinaas niya ang dalawang kamay. “Teka, hindi ako lala—”
“Shut up!” he shouted right on her face. He raised his arm and bold his fist, ready to strike her face. Oh! My, he’s gonna punch her! Narinig niya ang pagsigaw ni Mia, at siya naman ay mariing napapikit para salubungin ang suntok nito. She waited for his blow to landed on her face, pero wala siyang nadamang dumapong kamao dahilan kung bakit naimulat niya ang isang mata, na sinundan pa ng isa. Teka, hindi ba dapat sinuntok na siya nito? Creases began to form between his slightly thick brows, nadiskubre ba itong babae talaga siya? Kumurap-kurap siyang muli, saka bumalik sa pagtitig dito. At hindi lamang pagtitig ang ginawa niya rito, natagpuan niya rin ang sariling pinag-aaralan na ang buong mukha ng lalaki. The man has sporting slick back raven hair, his midnight eyes were mixed with anger and confusion, his long lashes fluttered slightly when he noticed the obvious uneasiness in her eyes. Taking in the man’s magnetizing stare, Charlyn couldn’t help but to take further observation on Lester’s beautiful face in a quick moment. His strong jaw line and pointed nose were in perfect angle and shape. And those rosy cupid-bow lips would totally captivate anyone to do his bidding just to have a feel of those plumps. Sa madaling salita, gwapo si koya!
Teka, ba’t sa kabila ng gagawin nitong pagsuntok sa kanya ay nagagawa pa niyang pag-aralan ang mukha nito?! Napailing si Charlyn at pati na rin si Lester. Paulit-ulit itong umiling na animo’y naguguluhan. Ibinaba nito ang kamaong nabitin sa ere saka bahagya siyang tinulak, kamuntik pa siyang matumba.
“Mia, are you alright?” maya maya’y lumapit si Lester sa kapatid at hinawakan ang magkabilang balikat nito. Based on the look on his eyes, he’s really worried about his little sister. Mabilis namang tumango ang nakangangang si Mia.
“See? Wala akong ginagawa kay Mia,” sabi naman ni Charlyn. Nakahawak siya sa kanyang dibdib at napalunok. Ang akala niya’y susuntukin na siya nito!
Ibinalin ni Lester ang tingin sa kanya, matalim. “Then, who the hell are you?”
“Kaibigan—”
“Ah! Boyfriend ko siya, Kuya Lester!” bigla na lang interrupt ni Mia sa sasabihin niya. Tumabi ito sa kaya at um-abre-siete, siya naman ay napanganga at pinanlakihan ng mga mata ang kaibigan. Tumingin sa kanya si Mia na parang nakikiusap. Ano’ng pinagsasabi nito?!
“Boyfriend?! Kailan ka pa nagka-boyfriend? Ba’t hindi mo sinasabi sa’kin? At bakit kayo narito sa kwarto?!” sunod-sunod na tanong ni Lester.
“Why should I tell you? And for your information, walang gagawin na masama sa’kin si Charl. Kagagaling lang namin sa isang event and my zipper got stuck at my back. He’s just helping me, nothing more, nothing less!” Taas-noong tingin ni Mia kay Lester, tila nanghahamon.
Naningkit ang mga mata ni Lester, naginginig ang mga panga ito. “At sa tingin mo maniniwala ako?”
“I’m telling the truth! And why do you care anyway, Kuya Lester? Kailangan mo ba ako huling pinakinggan? As I remember, wala ka ng pakialam sa’kin. Kaya ‘wag mo na akong pakialaman kahit kailan!” malakas na tumili si Mia na kamuntik nang ikabasag ng eardrum ng dalawa saka hinila nito si Charlyn palabas ng kwarto!
Nalito bigla si Charlyn sa mga nangyari kaya hindi na siya muling nakaimik. Hindi niya alam kung ano pa ang pinagsasabi ni Mia. Lutang ang isip niya at hinayaan niya itong hilahin siya kung saan. Ang bilis ng mga pangyayari, iyong tipong nakarating na sila sa play ground ng subdivision bago siya bumalik sa riyalidad.
“Mia, pwedeng paki-explain iyong sinabi mo sa kuya mo kanina? Ba’t mo sinabi na boyfriend mo ako?” ani Charlyn na natagpuan ang sariling nakasakay sa swing ngunit nakahinto iyon. Ganoon din si Mia, nakasakay rin sa swing na katabi niya. “At mukha ba talaga akong lalaki sa paningin ng kahit na sino? Kamuntik na akong suntukin ng kuya mo. Gym instructor siya, ‘di ba? Kung nagkataon ay dislocated ang panga ko. Sa ospital ang bagsak ko, girl!”
“Lyn, I’m really sorry,” pinaglaro ni Mia ang mga daliri sa kamay at mas humarap sa kanya nang hindi umaalis sa pwesto. Obviously ay sincere naman ito sa paghingi ng tawad.
“Ba’t mo nga ba sinabi iyon sa kuya mo?” Kunot-noo niyang tanong.
“Kasi… after six months mula nang mamatay si Mommy, ngayon ko na naman lang nakita sa mga mata niya na sobrang concern siya sa’kin. Bumalik ang pag-aalala niya sa’kin, Lyn.”
Saglit na natigilan si Charlyn. At oo, sa naa-alala niya’y puno ng pag-aalala ang mga mata ni Lester. Kamuntik na nga siyang masuntok dahil sa pag-aalala ito sa kapatid.
“And if I told him na babae ka, baka ang pagka-concern niyang iyon ay mawala. That’s why I told him that you were my boyfriend. I’m yearning for his care and attention.”
“M-mia.” Napalunok siya. Bigla na lang siyang nakaramdam ng awa sa kaibigan.
Noong unang beses niyang makilala iya si Mia ay tila anytime of the day ay masayahin ito, until her mom’s death. Noon niya na ito kinakitaan ng pag-iyak-iyak at samahan pa ng kapatid itong imbes damayan ay nilayuan ng loob. Nakikita niya namang lumiligaya si Mia at nakatatakas sa lungkot ng buhay everytime na pumupunta ito ng SBO o kaya uma-attend sa mga cosplay event. Pero panandalian lamang ang lahat ng iyon. Alam niyang magiging sapat ang kaligayan nito kapag bumalik ang dating pag-aalaga ng sarili nitong kapatid.
Lumapit sa harap niya si Mia at hinawakan ang mga kamay niya. “Lyn, can you do me a favor bago ka tuluyang pumunta ng Paris?”
“Spain, Mia.”
“Ay ng Spain?”
“Kaibigan kita at kailan ba kita hinindian?” tipid siyang ngumiti. “Ano ‘yun?”
“Pwede bang magpanggap ka na boyfriend ko habang nandito ka pa? Special resquest ko lang, please?”
“Ha?!” bulalas ni Lyn, saka biglang nahulog sa swing!