NAGLALAKAD SI Charlyn sa abala at maingay na street ng Tandang Sora. Ginagaya niya ang lakad ng mga lalaking nasa unahan, kina-career niya na ang pagpapanggap, kaya lang ay ‘di kaya siya matuluyan nito? Nakakatuwa at the same time ay nakakatawang nakakakaba. Pero pinasok na niya ang sitwasyong iyon kaya paninindigan na niya sa abot ng kanyang makakaya. Bahala na nga si Batman! “Tol! Charl! Nandito ka na pala! Kanina pa kita hinihintay!” Mula sa ‘di kalayuan na sumasabay sa lakad ng maraming tao, kumaway si Eros at mawalak na nakangiti sa kanya. Kaibigan nila ito ni Mia at isa ring volunteer ng SBO. Five years ago nang maging volunteer member ng SBO si Eros, at sa paglipas ng araw ay naging close nila ito ni Mia. “Hi! Tol! Kumusta ka na?” Ani Charlyn sa lalaking boses, kamuntik pa siyang

