Chapter Thirty Six

2326 Words

“AH!” agad napaupo si Charlyn sa kinahihigaang kama sabay noon at malakas na pagsigaw. Sobrang lakas ng kalabog ng puso niya, taas-baba rin ang kanyang mga balikat na hinahabol ang hininga at pawis na pawis ang kanyang mukha. Matagal siyang nakatitig sa pader ng madilim na kwarto, at nang ma-realize na bangungot lang pala ang nangyari at hindi tunay ay pilit niyang pinayapa ang sarili. Napapikit ng mariin si Charlyn, yumuko at hinimas ang leeg at napaubo. Sumulyap siya sa luminous wallclock— a las nueve vente tres pa lamang— at wala pang isang oras na natutulog pero ang haba ng kanyang bangungot. “Dios ko…” Tumayo si Charlyn at binuksan ang lahat ng ilaw doon sa kanyang condo. At dahil sa kalituhan, imbes sa purified water ang kanyang inumin ay doon na sa lababo. Nakaramdam kasi siya ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD