IMINULAT ni Charlyn ngunit bahagya pa siyang napapapikit dahil sa hilong nararamdaman. Napangiwi siya dahil sa masakit na pagpintig sa kanyang ulo. Pinilit niyang maupo at inalala ang lahat, at sa natatandaan niya, naglalakad lang siya along Visayas Avenue pero bigla na lang may kung anong bagay ang humampas sa ulo niya. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Naroon siya sa isang katamtamang kwarto. Cream ang pintura ng paligid at tanging pandalawahang mesa at katre lang ang naroon, sa hilo siya nakaupo. Napapitlang si Charlyn nang bumukas ang nag-iisang pinto doon at pumasok ang isang lalaki. “Gising ka na pala,” anang lalaki sa mahinang boses. Napalunok ng tatlong beses si Charlyn. Tila nasa early fifties na ang lalaki, matangkad ito at malaki ang pangangatawan, magulo ang buhok nito a

