College life begins now

1431 Words
Unang araw ko sa kolehiyo. Nakakakaba dahil ngayon ay bumibiyahe na ako paMaynila samantalang dati, yun eskwelahan na pinapasukan ko ay tricycle pwede na. Nagtapos akong valedictorian kaya nakakatipa na ako ng bagong cellphone ngayon dahil kampante na si Mader sa akin. Hinanap ko ang classroom sa third floor. Pumasok ako at piniling umupo sa dulo. Nagroll call na ang teacher para icheck ang attendance. "Is there any one not called?" tanong ng babaeng professor. Nagtaas ako ng kamay. Tatlo pala kaming babae na hindi natawag. "Let me see your registratiom card." Sinuri ng professor ang hawak namin. "Sa kabilang room kayo. Hindi kayo dito sa section na ito." Lumabas kaming tatlo. "Ano ba yan, mali-mali naman ang registration natin." sabi ng isang babae. "Nagtanong ako kanina sa registrar, sabi tama na daw ang schedule na nakuha ko. Ikaw, ganun din ba advise sayo kanina?" Baling ng kasama niya. "Basta sinunod ko lang ang schedule eh," sagot ko. "Ako pala si Rachel at sya naman si Hanna." "Bea," inabot ko ang kamay ko. Ang tangkad naman nitong si Hanna. "Pareho kami ng pinanggalingang school kaya pati sa course na pinili ay pareho na rin para magkasama kami palagi." Kwento ni Rachel na napakamahinhin. Natunton namin ang sinasabing room namin. Pagpasok ay chineck muna ng lalaking professor ang registratiom cards namin. Maingay ang klase. " Basta sa akin na yun mahaba ang buhok, " dinig ko ang pagkakasabi. Tiningnan ko sila Rachel, puro hindi lampas ng balikat ang buhok. Ako lang ang abot sa gitna ng likod ang haba ng buhok. Ako ang tinutukoy ng pabidang lalaking yun. Pinaupo na kami ng professor. Palabas na kami ng classroom nang may lumapit sa amin. "Hatid na kita." Alok ng lalaking medyo matangkad at kayumangging lalaki. Presko lang ang dating sa akin kaya nairita ako. "Hindi ko kailangan ng hatid, may sundo ako." Pagsisinungaling ko. Kairita yun pabidang lalaki na maraming alipores na nakapaligid sa kanya. "Pagbigyan mo na, Bea." Pakiusap ng isang kaklase naming nakalimutan ko pa ang pangalan. "Nakikipagkaibigan lang naman sayo si Edison. " Ah, yun pala pangalan nya. "Salamat. Huwag na kayong mag-abala." Binilisan namin ang lakad para mapalayo sa kanila. Ayokong sirain ang tiwala ni Mader sa akin. Ngayon lang sya naging kampante na bigyan akonng cellphone at nakakabiyahe akong mag-isa na walang nakabantay o nagmomonitor. Kumalma ang pagkapresko ni Edison sa klase simula nang sinopla ko sya. Porke sya ang tagalibre sa barkadahan nyang lalaki na kaklase namin eh bida na sya lagi. Minsan, habang nagrereview sa labas ng classroom, may sinilid syang nakaplastic sa bag ko. "Ano yun?!" "Wala. Pasalubong ko sayo. Tagal natin di nagkita eh." Malambing na sagot niya. "Sabado at Linggo lang tayo di nagkita. Hindi matagal yun." Tiningnan ko yun nasa plastic. Tatlong malalaking bars ng Cadbury fruit and nut, almonds at dairy milk. "Para sa akin matagal na yun," sagot niya. "After ng midterm exam natin, kain tayo nila Rachel. Para makarelax naman." Tiningnan ko sila Rachel." Ok ba sa inyo? May lakad ba kayo? " Tumango sila." Sige, unwind naman sayo. Kain tayo ng salad at burger para makarelease ng stress." Sabay-sabay kami umalis pagkatapos ng exams namin. Sa sasakyan ni Edison na Innova kami sumakay. Sa harapan ako pinaupo nila Hanna. Sumunod ang tatlong kaklase naming lalaki na barkada ni Edison. May naalala tuloy ako sa pag-upo ko sa harap. Ang sabi pa naman sa akin nun ay masarap daw kumain ng fruit pie pag may nagsusubo. Magkakasama sila Hanna at kaklaseng naming lalaki sa kabilang mesa habang kami naman ni Edison sa isang mesa. Parang napagtanto ko na kung bakit pinasama ang tatlong boys namin. Para masolo ako ni Edison. "Gusto mo ba ng catsup or salt?" Tanong ni Edison. "Ok na ito," sagot ko habang sinasawsaw ang fries sa catsup. "Nahirapan ka ba sa exam kanina?" "Yun sa iba, kaya naman. Pero yun sa Math medyo sablay eh." Natawa ako. "Ok lang ibang Math basta numbers. Wag lang yun may mga x, y, z na." "Pwede kita turuan pag breaktime natin," alok niya. "Kasi mas magiging complicated yan sa finals. Dapat master mo na un basic para maintindihan mo yun kasunod na lessons." "Sige, ok lang naman." Naging masigasig si Edison. Tinuturuan nya ako sa library ng Math. Kasama rin sya lagi sa group study namin nila Rachel. Isang araw, napaaga ako ng pasok at nagdesisyong magstay na lang sa classroom. Naglalaro ako sa cellphone nang marinig kong may kumanta sa likod ko. "Happy birthday to you...." kanta ng mga kaklase ko. Hawak pa ni Hanna ang cake na may nakasinding kandila. Nagulat ako kasi nilihim ko naman ang birthday ko. Baka nagnotify sa f*******: na birthday ko ngayon. Pinakahuling pumasok sa classroom si Edison. "Happy birthday!" Sabay abot ng regalo at isang bouquet na may sunflower. Magaling na spy itong si Edison. Alam ang gusto ko. "Salamat sa surprise nyo." "Si Edison may pakana nito lahat." sabi nila. "Salamat sayo, Edison." Final exam na namin. Pagkatapos nito ay sem break na. Makakapagpahinga na rin sa wakas. "Magbabakasyon ba kayo?" Tanong ko kina Rachel. "Baka uwi kami ng Cavite. Tagal namin di umuwi eh. Ikaw?" Natawa ako. "Layo ng probinsya ko. Sa bahay lang ako." Naghanda na ako pauwi. "Chat tayo habang sem break ha." Hinawakan ako ni Hanna sa braso. "Bea, meron sana akong itatanong sayo." "Ano naman yun?" "Pa-sem break naman na tayo. Baka pwede magtapat ka na sa amin ni Rachel," nagkatinginan silang dalawa. "sa tagal ba na nag-eeffort si Edison sayo eh may pag-asa ba sya?" Natahimik ako. Mabait naman sya. Nakita ko rin naman ang effort. "Hindi ko alam eh. Masaya na nandiyan siya pero para masabi kong gusto ko sya o mahal ko sya, hindi ko masiguro." "Subukan mo, Bea." sabi ni Rachel. "Ngayong sem break na hindi mo sya makikita, kapain mo sa sarili baka sakali meron konting love para sa kanya." "Hmm, tingnan natin. Magchat naman tayo." "Sige, mauna na kami kasi traffic pauwi." Paalam nila Rachel at Hanna. Naglalakad na ako palabas ng campus nang may narinig akong tumawag sa akin. "Bea! Bea!" Boses ni Edison. Nilingon ko sya. "O, bakit?" "Ihatid na kita," alok niya. "Padiretso ako ng Baguio ngayon. Para naman makasama kita dahil matagal tayong hindi magkikita." "Edison, pasensya na pero hindi pwede." Tanggi ko. "Ayokong masira ang tiwala ni Mader sa akin. Baka maging grounded na naman ako, mahirap na." Nalungkot si Edison. "Ok kung yan ang desisyon mo." May kinuha sa bag niya. "Para sa iyo. Basahin mo habang sem break. Para maalala mo ako lagi. Mamimiss kita." Chicken Soup for the Soul, nakatatak sa libro. "Salamat. Maikli lang ang sem break. Saglit lang, klase na uli. Sige, uwi na ko." Naglakad na ako palayo kay Edison. Mabait din ang taong ito pero kailangan hanapin ko sa puso ko kung may nakalaan ba para sa kanya. Unang linggo ng sem break, nilaan ko sa pagbabasa ng libro na binigay ni Edison. Tama nga siya, maaalala ko sya sa librong ito. Biglang tumunog ang cellphone ko. May message sa group chat namin nila Hanma. Hanna: Musta na babaita? Bea: Ok lang naman. Rachel: Hindi yan ang sagot na hanap niya ??? Hanma: 1 wk na, wala pa bang tumutubong pagmamahal diyan para sa pambato namin? Bea: Sakto lang. Naaalala ko sya kasi binigyan nya ako ng book. Maliban diyan, wala na. Rachel: Hay naku. follow up tayo next wk. Matatapos ko na ang libro sa ikalawang linggo. Halos yun lang ang ginagawa ko sa maghapon. Nagtataka naman ako na matatapos na ang sem break ni hindi nagmessage si Edison sa akin. Alangan naman ako pa mauna. Heto, tumunog na uli ang GC namin nila Rachel. Rachel: Anong balita? Bea: Matatapos na ang sem break ni hindi man lang nagmessage si Edison sa akin. Biglang nagvideo call ang chat namin. "Nakakagulat naman kayo!" Hawak ko pa ang dibdib ko sa kaba. "Bakit biglang video call eh kakareply ko pa lang?" Kinikilig sila Hanna. "Sis, di ko kinaya. Bakit ka umaasang magmessage si Edison sayo? May tumubo na ba?" Naghihiyawan pa sila. Napapangiti ako. "Para kayong baliw." "Sagutin mo tanong namin!!!" Nagduet pa silang dalawa. "Nagtatanong lang naman ako bakit hindi sya nagmemessage," may konting lungkot sa boses ko. "Yun librong binigay nya halos matapos ko na." "Feeling ko meron na yan," sabi ni Hanna. "Baka may pagmamahal ka na kay Edison kahit konti," parang pinipiga pa ako ni Rachel umamin. Napaisip ako at napahinga nang malalim. Pumikit saglit para masiguro ang salitang sasabihin. "Sa tingin ko nga may tumubo na." Nagsigawan ang dalawang impakta kong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD