Right or wrong timing

1286 Words
Pasukan na. The moment na nagkita kmi nila Hanna, niyuyugyog at hinahablot-hablot ako. Ang kukulit naman ng mga ito. "Bea, I am happy for you!" Sabi ni Hanna. Partida, mas masaya pa sya sa akin. Sinaway ko. "Wag ninyo ibulgar yun inamin ko ha. Dapat tahimik lang kayo" "Teka, parang absent si Edison kanina sa klase. Di ko sya napansin," nagtataka si Rachel. "Malungkot tuloy itong sister natin dahil walang pasalubong." "Tse, tumigil nga kayo!" Saway ko. "Kaya ayokong umamin sa inyo dahil tutuksuhin nyo ako eh!" "Hindi na. Hindi na." Tinapik ni Hanna ang braso. Mayamaya ay narinig kong tinatawag ang pangalan ko ng isang pamilyar na boses. Si Edison. "Bea, sorry nahiwalay ako ng section. Late na kasi ako nakaluwas para mag-enroll." Paliwanag niya. "Anong schedule mo?" Mali, bakit ako nagtanong ng schedule niya? Inabot ni Hanna kay Edison ang schedule namin." Heto sked namin. Kuhanan mo na ng picture para alam mo kung kelan mo makikita si Bea. " Nanlumo si Edison." Magkaiba talaga sked natin. Pero may araw na half day ako na pwede kita hintayin." Nanghinayang din ako. Kung kailan nahuhulog na ako sa kanya, saka naman kami nagkahiwalay ng schedule. Sa araw-araw ng pagpasok ko, hinahanap ko yun may nakabuntot sa akin, may bumibili ng inumin o meryenda at may nagbibitbit ng gamit. Ginawan ng paraan ni Edison na magkita pa rin kami kahit magkaiba ang schedule. Pag half day sya ay matiyaga syang naghihintay na matapos ang klase ko. "Natanggap mo ba yun pinaabot ko kaninang umaga?" Nakaabang na si Edison sa pinto ng classroom ko paglabas. Half day sya ngayon. "Ah yun cinnamon roll?" Paglilinaw ko. "Ubos agad. Inorder mo yun paborito kong pecanbon eh." Kumaway sila Rachel na mauuna na daw sila. Tumango ako. Kinikilig yun dalawa. "Namimiss kita araw-araw, Bea" pagtatapat ni Edison. "Hindi ako sanay na wala ka sa klase. Sa susunod, sabay na tayo mag-enroll para sure na magkaklase tayo ha. " Pinigilan ko ang sarili ko. "Lumuwas ka kasi agad para makaenroll." "Gusto mo magcoffee muna bago umuwi? Usap naman tayo. Konti na lang lagi ang time natin mag-usap." Napangiti ako. "O, sige. Sige na." Sa ganitong routine namin, nararamdaman kong namimiss ko na rin si Edison. Wala lang akong lakas ng loob na magcommit sa taong ito kasi pag nalaman ni Mader, sisikip na naman ang mundo ko. Magpapasko na. Abala na kami sa pagplano ng Christmas Party at games. Excited sila. "Ano na nangyari sayo diyan?" Tanong ni Hanma. "Panay na kami suggest ng games para masaya ang party natin pero parang nasa kabilang mundo ka." "Parang nasa kabilang klase kamo," sundot ni Rachel. Napaismid ako. "Parang nalulungkot ako na Christmas break na..." Dumugtong si Hanna. "Tapos hindi mo na siya makikita? Ganun ba yun?" Nang-aasar pa siya. "Ano ba kasi ang status ninyo? Panay na date ninyo ah. Di na nga kami sumisingit eh." "Hindi official eh kasi di pa sya nagsabi ng I love you. Puro lang namimiss nya ako." "Ano pa ba ibig sabihin nun? Gusto mo may checklist ka to confirm na mahal ka nga niya? Eh todo effort na nga kahit nahiwalay siya ng section ay naghihintay at nakikipagkita sayo eh." sabi ni Hanna. "Gusto mo ba maging official?" Abang si Rachel ng sagot. Napakunot ang noo ko. "Di ko alam eh. Basta lang sana maconfirm nya kung kami na ba o hindi. Parang ganun. " Sinabi mo bang namimiss mo rin sya o mahal mo rin sya? " Ani Hanna. Nanlaki mata ko." Hala, hindi no! Bakit ako ang mauuna? " Binatukan ako ni Hanna." Impakta ka rin eh. Matalino ka nga sa Philosophy natin pero bobo ka pa rin sa analysis. Nagsabi na yun tao na namimiss ka, dapat respond ka rin ng namimiss mo sya." "Pasensya ka na kay Hanma, maikli pasensya sa bobo." Tumawa si Rachel. Pumunta kami ng mall para bumili ng panregalo. Mabuti na yun maaga pa lang nakabili na kesa makipagsiksikan pa sa ibang nagshoshopping. Ngayon ang Christmas Party namin at huling araw ng klase. January na ang balik. Dalawang linggo na naman na nasa bahay. Nagmessage si Edison na hintayin daw niya ako pagkatapos ng party. Gusto ko nang matapos ang party. Kumakain pa lang sila ay nagpaalam na ako kina Rachel. Hindi na ako makapaghintay. Paglabas ko pa lang ng building, nakita ko na si Edison na nakaupo sa ilalim. ng puno. Mahal ko na ata ang taong ito. Pag tiningnan ko sya, masaya ako. Lalo na sa suot nyang maong at polo shirt, ang sarap nyang yakapin. Sinalubong nya ako. "Merry Christmas." Pagbati niya sabay abot ng paper bag na naglalaman ng regalo. "Merry Christmas din sayo." Inabot ko rin ang maliit na regalo. "Kakahiya naman, maliit ang regalo ko samantalang sayo nakalagay pa sa malaking paper bag." "Sinadya kong lakihan ang regalo para maalala mo ako lagi." "Nayayakap ba itong regalo mo?" Hula ko kasi ay stuffed toy ang regalo. "Hindi lang nayayakap. Malaya mo ring halikan yan." Panunukso nya. Namula ata ang mukha ko. Di ko na pinansin ang huling sinabi nya. "Kain tayo ng pizza, ok lang ba sayo? Pauwi na rin kasi ako mamaya eh." "Papuntang Baguio?" Na naman. Parang gusto ko siyang pigilan. "Oo, sasama ka ba sa akin?" Malambing na tanong niya. "Hala, hindi ako pwede sumama sa Baguio no!" "Sa pizza lang naman, hindi sa Baguio ang tinutukoy ko." Natatawa sya. Hinampas ko siya. "Akala ko kasi... Halika na nga!" Naglakad na kami papuntang parking lot. Nag-uumapaw na ang damdamin ko. Gusto ko na sabihin sa kanya pero hindi ko kaya. Uuwi na naman siya. Mamimiss ko siya nang sobra. Umangkla ako sa braso nya sa unang pagkakataon na magkasama kami. Nagpakiramdaman kami. Kinuha niya ang kamay ko para hawakan niya. Pinisil niya nang mahigpit saka dinala sa dibdib niya at hinalikan ang kamay ko. Tiningnan niya ako sabay sabing: "I love you so much!" Kami na. Nilihim ko muna sa bahay na may boyfriend na ako. Kahit sa Ate ko ay ingat ako dahil iisang kwarto lang ang tinutulugan namin. Kaya pag tatawag si Edison ay bumababa ako sa sala para dun makipag-usap. Minsan nagkunwari akong magwalking sa village pero ang totoo nun, magvideo call lang kami ni Edison. "Ganito pala ang LDR." Bungad ko sa kanya. Napahalakhak si Edison. "Nasa Baguio lang ako para magLDR. Kung sumama ka sa akin eh di sana naipasyal kita dito." "Alam mo namang imposibleng mangyari yan eh." Nagmamaktol kong sabi sa kanya. "I misa you, Bhe" yan na ang tawag nya sa akin. "Mahal na mahal kita." "Mahal na mahal din kita," sagot ko. "sobrang miss na kita grabe. After New Year, luwas ka agad ha." "Oo, dalhan kita ng strawberry." Sabay kindat niya. "Mamayang Christmas eve, makakapagvideo call ba uli tayo?" "Di ko sure eh. Kumpleto kami mamaya at may mga bisita. Message ka lang para makareply ako. Try ko kung makapagwalking uli ako bukas para video call tayo." "Sige, chat tayo uli mamaya. Miss you so much. Bye." "Bye." Ok na. Kahit paano ay nakapag-usap kami nang malaya.. Hindi yun nakaearphomes na ako ay bumubulong pa ako. Tuwang-tuwa din sila Rachel sa binalita ko. Natupad na daw ang Christmas wish nila. Hinihila ko na yun araw para matapos na ang New Year tapos pasukan na uli. Dumating ang New Year na halos minamadali ko. Alam kong after nito ay ilang araw na lang ang hihintayin. January 2 ng gabi, tinawag ako ni Mader. May phone call daw ako. Sino naman ang tatawag sa akin ng 8PM ng gabi? "Hello?" "Hello, Bea?" Pamilyar ang boses ng lalaki. "Sino 'to?" Paniniguro ko. "Si Daryl ' to." Paramg gusto kong sumalampak ng upo sa sahig na bagsak ang balikat sa narinig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD